ANG LAKAS NG LINDOL KANINANG UMAGA, GRABE!
Gumagawa ako ng comparative analysis kanina tapos bigla nalang nagha-harlem shake yung desk at monitor ko. Akala ko gutom lang 'yung naramdaman ko kasi kumakalam na rin 'yung sikmura ko kanina. Kaya ayun, type type pa rin, encode encode. Nang biglang, "waaaaahhhhhhhhhhhhh!!!!" Nagpanic na ang mga officemates ko. Halos mga babae pa man din sila. Akala ko bumisita lang si Jimmy Santos ng naka-topless at nakita nila yung naguumbukan niyang abs kaya sila sumigaw. Lumalakas na pala ang lindol. HINDI TALAGA AKO GUTOM. Tapos eto na, nagsink-in na sa'kin na lumindol. Nagdasal na ako. Gusto ko sana Nicene Creed para updated kaso nagpanic na ako kaya balik Apostle's Creed nalang. Tapos habang nagdadasal ako, pumasok 'yung newly hired na producer sa office. Sabi niya, sa malakas at nananakot na boses, "BUMABA NA TAYO. BILISAN NIYOOOOO. NGAYON NA. BAKA MAS MALAKAS PA 'YUNG SUSUNOD. REMEMBER, BAGUIO?" Ay, at may time pa si ate na maglecture! Dinamay pa ang Baguio at propeta rin siya na mapepredict niya kung may susunod pa. Hahahaha. (Mabuti nalang wala ng aftershock kaya mali siya. Out na siya sa quiz bee!) Nagyon, hindi ko matandaan kung natapos ko 'yung dasal ko. Si ate kasi eh! Ay? HAHA Take note ha, nasa 3rd floor kami ng building. Sabi ni ate producer sa malakas at nakakatakot na boses na bumaba kami pero sabi naman ni Ma'am CEO, "UNDER YOUR DESKS!" Capslock at naka-bold para intense at para mafeel mo na command talaga 'yun. Syempre CEO eh, boss. Eh ayun naconfuse na ako kung sino ang susundin ko. Wala akong ginawa sa dalawa. Nakaupo lang ako at nakatitig sa monitor (at nagpost na rin ako ng status sa twitter at facebook tungkol sa lindol para IN ako, trending agad eh.) Ngayon kinakabahan na ako, baka sensantihin na ako sa trabaho ko. Dahil hindi ko sinunod yung sinabi ni Ma'am CEO na "UNDER YOUR DESKS!"
Hahaha! Ang bottom line lang naman ng post na 'to ay 'yung paggawa ko ng comparative analysis para kunwari magmukha akong matalinong employee. Hahahahaha! 5.4 Magnitude pala yung Earthquake sabi ng PHIVOLCS. Sana safe ang lahat at walang nasaktan. Magandang Hapon! :)











