Faraguys
Kahapon, sabi ko kay Tita Anj habang nakaupo kami at naghihintay na matapos yung completion ceremony, "hindi ko feel na graduate na tayo ng junior high. May thesis pa kasi tayo eh!" Tapos ngayon, paggising ko, saka pa lang nag-sync in sa'kin na "ay, graduate na pala kami ng junior high. Hindi na pala kami papasok ulit sa isang room. Hindi ko na sila ulit makikitang mag-cram sa umaga dahil hindi pa nila gawa yung assignment sa Ekonomiks na deadline eh 7:30 sharp. Hindi ko na pala ulit maaakyat yung computer room. Hindi ko na pala ulit mabubugbog yung mga kaklase kong lalaki. Hindi na pala kami ganito next year. Hindi na pala kami magkakasama araw-araw next year." Medyo napaisip pa 'ko na "sana nag-forever ZNHS na lang pala 'ko. At least kahit di kami magkaka-block, makikita ko pa rin sila araw-araw." Pero huli na ang lahat (wat? Hahaha!) Pero hindi pa rin naman mapipigilan na maghiwa-hiwalay kami kasi dadating yung time na magka-college na kami (okay ang drama ng part na 'to. Cut na.) Hindi ko alam paano ko tatapusin 'to kaya babangon na 'ko at gagayak. Papasok ako HAHAHA!









