Minsan pag naaalala kita, gusto kong ikwento sa iba kung paano kita naakilala. Kung pano nagkaron ng tayo. Kung pano mo unti-unting binasa ang blanko kong libro. Inintindi, dinama, binigyang halaga Isa isang sinalangguhitan ang magaganda kong linya Tinupi ang mga pahinang ayaw mong kalimutan Buti pa siya... Buti pa yung pahina ayaw mong bitawan kasi alam mo Minsan pag naaalala kita, gusto kong ikwento sa iba kung pano mo ako ginawa nalang na alaala Pagkatapos mong magdesisyon na hindi mo pala hilig ang magbasa Pagtapos mo mabagot sa gitna sabay bulong ng "Nakakatamad na" Tapos syempre ako, pilit binibitin ka para man lang sana marining ko na nasasayangan ka Kaya ngayong naalala kita, ikekwento ko na sakanila Na kahit tapos ka na magbasa, ako nakasilip pa Umaasa na balikan mo at basahin ulit ang mga kabanatang ikaw mismo ang sumulat Ngunit ikaw din ang pumunit At kahit malamang iniisip mo ngayon na ang emo at masyado nang madrama to, mananatili akong libro na kahit sinukuan mo na Naalikabukan, inamag, at gula-gulanit na Hihintayin ka at aasang kahit hindi mo na magawang tapusin Pero sana man lang, isara mo na. -D













