#date
Nagdate kami ng isa kong high school suitor sa isang mall. Nanood kami ng Everything About Her pero hindi naman dapat ganon yung gagawin namin. Sabi ko sa kanya pumunta kami sa theme park para makapaglakad-lakad kami at makapag-usap kami ng random things tungkol sa mga bagay-bagay. Pero mas huli na niya yung naisip dahil nasa kalagitnaan na kami ng byahe. Sayang naman yung pamasahe. Habang nasa sinehan kami, parang wala lang. Nanood lang talaga kami at hindi kami masyadong nagkausap. Dumating din yung point na umiyak ako sa halos lahat ng nakakaiyak na part ng movie na yun. Pagkatapos nun, ang haba ng nilakad namin para makasakay pauwi, As in, kaya naisip niyang bumili kami ng milk tea para habang naglalakad kami meron kaming chicha. Hindi kami kumain sa restaurant dahil nacompute ko na yung gastos niya. 2 tickets, pamasahe namin papunta tapos ginto pa yung halaga ng milk tea na binilhan niya. Jusko. Sabi niya, wag akong mag-alala, pinag-ipunan naman daw niya ang araw na yun kaya wag ko na isipin yung gastos. Pero ako ki-nompute ko mismo sa harap niya yung gastos at medyo nainis siya sa’ken. Wala rin naman siyang magagawa. Math major ako no. Numbers lang naman ang ipaplus ko. Then ayun na, habang nasa byahe kung ano-ano lang ang pinag-usapan namin sa loob ng fx. Nasa bandang likuran pa kami. Tapos bumaba siya sa may banda sa’min then binigay niya yung regalo niya. Sabi ko kapag bulaklak, chocolates, o bagay na mamahalin yan, hindi ko yun tatanggapin. Pero in-insist niya na hindi mahal. Bago din kami maghiwalay ay binigay ko sa kanya yung letter ko na wala man lang ka-chessy-han dahil jusko, ano namang ilalagay ko dun na nakakakilig? Eh nagsisimula pa lang naman kami sa pagdedate. Somehow, natatawa rin ako sa sarili ko. Bakit nga ba wala man lang nakakakilig na part sa sulat ko? Siguro hindi pa ako sigurado.













