Bakit Mahirap Mainlove kay Bestfriend?
Kase hindi mo kayang magtapat ng feelings dahil ayaw mong magkaroon ng awkwardness sa inyong dalawa. Paano nga naman kung hindi mutual ang feelings?
Kase mas pinapahalagahan mo ang friendship nyo at ang memories at ayaw mo itong mauwi sa wala, kahit na kating kati ka ng ipagtapat ang nararamdaman mo hindi mo pa rin ito magagawa.
Kase kahit anong motibo ang gawin mo, nagbigay ka na ng signs at lahat na gusto mo sya, hindi nya mapapansin ito. For him/her you're just being sweet and acting the duty of a BESTFRIEND
Yung kailangan mo syang suportahan sa Lovelife nya. Kahit sakit na sakit ka na sige lang bigay pa ng advice, maging chaperone ka pa nila. Mahal mo eh, BESTFRIEND MO.