At ito na nga ang nabuo kong tula Pagkatapos mapanood ang #100tulaparakaystella Paglaya Ngayong malaya ka na muli, Mundo ko ay di na naman mapakali. Nararamdaman ko ay di na naman maikubli, Dahil sa iyong pagbabalik, Pagtingin ko sa iyo ay tila muling nanunumbalik. Hanggang kailan ako matututo? Hanggang kailan ako hihinto? Kung ang puso ko, Ikaw pa rin ang tanging gusto. Hanggang kailan ako maghihintay? Ang ipaglaban ka ba ay mayroon pang saysay? O dapat na kong bumitaw, Sa pag-asang magiging tayo balang araw. Ano pa kaya ang kailangan kong gawin? Upang ikaw ay huwag nang mahalin. Sa papaanong paraan pa kaya kita iiwasan, Nang ikaw ay makalimutan na nang tuluyan. Ang sakit na nadarama Sa tuwing ikaw ay nakatingin sa iba Pilit kong kinakaya at paulit-ulit na umaasa Na sana iyo nang makita ang aking halaga. Ano bang meron sa kanya Na sa akin ay hindi mo makita? Kailan mo ko magugustuhan Nang higit sa isang kaibigan? Napakasakit na tila ako lang ang nakakaalala Sa mga pinagsamahan nating dalawa Lalo na nung sinabihan mo kong mahal mo ko Pero bakit ngayon parang wala lang yun sayo? Bakit ba wala akong kapaguran Sa patuloy na pagpapasakop sa aking nararamdaman At kailan kaya mauubos ang aking lakas sa pakikipaglaban Na ako lang naman ang laging talunan. Nararapat nang tumigil sa kahibangang ito Sapagkat hindi lahat nang pagsuko Ay nangangahulugang pagkatalo Dahil may mga laban na kailangan nang paghinto Upang ito ay maipanalo. Kinaya ko na noon Ang lahat ng sakit ay hinilom ng panahon Kakayanin ko muli ngayon Puso ko ay aking aalagaan at babantayan At muli lamang magmamahal sa taong kaya nang suklian. #paglaya #feelingmakatalang #idaansatula #idaansatulaangfeelings #relatemuchkayfidel #tulaparakayfidel😂










