STRENGTH OF MATERIALS
And yes,
Di naging kaaya aya yung grado ko doon. Kaya eto dito nalang naglalabas ng sama ng loob. Kung tutuusin nga tanggap ko na eh, kase alam ko naman na mali ko. Di rin naman mali ng prof. Talagang tinamad din ako. Pero *hehe* good luck and God bless nalang sa mga taong nakapasa na nangongopya. Di ko rin sila masisi kase nga mahirap pero yung ginagawa nila lalabas naman yun sa future nila. Masasanay sila na magiging Arkitektong swail lol.
Pero may mga ganong bagay talaga na kailangan tanggapin.
Diba nga sabi ni Lord, 11 For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future. -Jeremiah 29: 11
So bakit diba kailangan ko pang magaalala? Basta laging isipin na lahat ng bagay may rason. Lahat ng bagay may solusyon. At lalong lalo na lahat ng bagay ay may maganda ring dinudulot kahit gaano pa yan karumaldumal. Wala naman mangyayari kung magagalit o iiyak ako diyan sa tabi eh, bakit magmamagic ba yung portal ko na papasa ako? Sa huli ako rin naman yung mapapagod kakangawa diyan. Alam ko naman may pakay si Bro sa lahat ng ‘to.
Good luck nalang sa magiging reaksyon ng magulang ko AHAHHA ayun lang, dun lang tayo magkakakatalo.... *cries* *perojklang* *strongako*
Basta tiwala lang Sakanya at ni kahit kailan di ka Niya bibiguin! Amen? AMEN!
Good evening and night, tumblr!











