“nagkukulang ba ako o sadyang di mo lang kayang gawin mga bagay na kaya kong gawin para sayo?”
Di ko alam kung ano pa bang dapat kong gawin for you to notice na I need your attention, your time, and your lambings. Papunta na ako sa point na sawa na akong sabihin sayo na kailangan ko ng mga bagay na to. Parang gusto ko nalang hindi magsalita, kasi at the end of the day, ako parin naman yung magpapakalma sa sarili ko. Ang sakit lang na ikaw tong manliligaw pero yung mga bagay na dapat ginagawa ng mga manliligaw ay hindi mo nagagawa. Ayaw ko manulsol, pero it is what it is. Kung di mo man nahahalata, it’s not on me.
Sasabihin mong “babawi ako” pero ang totoo, hindi ka naman talaga nakakabawi. Alam mo ba na sa mga sinasabi mo, mas lalo lang akong nawawalan ng pag-asa na gagawin mo yun? Di ko na alam paano pa magcompensate sa situation pero sinasabi kong kaya ko pa kasi mahal kita. Ganito siguro talaga nagagawa ng nagmamahal, nabubulag na ako sa katotohanang hindi na mangyayari yung mga bagay na nagagawa mo sakin dati.
Sana sa araw na marealize mong nagkukulang ka, na hindi mo na nagagawa yung part mo.... sana handa parin akong maghold on sa relasyon natin. Kung ganito nalang lagi, ako lang lagi magsusuffer. Pero handa ako magsuffer, wala pa ako sa limit ko. Titiisin ko hanggang sa bumalik ka sa dating nakilala ko na caring at handang magpuyat para lang makausap ako.