Anong pakiramdam ng naibigay mo na lahat?
Well, as of me, pakiramdam ko ngayon is I feel empty. Sobrang walang wala. Yung tipong matutulala ka nalang kasi alam mo sa sarili mong wala na natira sayo. All the effort, time, pagod, etc, walang nangyari. In the end, ikaw parin yung iniwan kahit ginawa mo na lahat.
Sa pagsabak ko sa journey na to, ngayon ko lang din narealize na hindi ko pinagsisihan lahat ng ginawa ko. Hindi ako nagsising binigay ko lahat at binuhos ko lahat ng kaya kong ibigay sa taong minahal ko. Bakit? Kasi sabi nga nila kung magmamahal ka, give it your all para sa huli wala kang pagsisisihan.
Part of me din ang nagsasabing “okay lang yan Bojo. You didn’t hold back naman eh.” And yes, i didn’t. Kaya kong magmahal ng tao. Kaya kong sumugal sa tao. Kaya kong magpasaya ng tao. At handa akong gawin lahat para sa taong yun. Kahit ang kapalit na is yung sariling kong pagkatao.
I’m praying to God na i-guide niya nalang ako through this journey. Kasi siya lang ang makakatulong sakin bukod sa sarili ko. And thankful ako na nangyari to not because gusto kong masaktan ako or what, thankful ako kasi narealize ko na kaya ko magtake ng risk. Napatunayan ko sa sarili ko na kaya ko.
Maghihilom din ako, at kapag naghilom na ako, sisiguraduhin kong handa na ulit akong magmahal at magtake ulit ng risk pero this time, sa taong deserve ang lahat ng kaya kong gawin. Kaya mo yan self, laban lang. I love you Bojo ☺️















