✨|| porygon-z moodboard
for @firstgf's event; a character who is an inorganic lifeform official art 1

#dc comics#batman#dc#tim drake#batfam#batfamily#bruce wayne#dick grayson#dc fanart


seen from China

seen from United States

seen from Canada

seen from South Africa
seen from Canada
seen from Türkiye
seen from China
seen from China
seen from China

seen from Australia
seen from Philippines
seen from United States
seen from United States
seen from New Zealand

seen from United States

seen from China

seen from China
seen from Russia
seen from United Kingdom

seen from United States
✨|| porygon-z moodboard
for @firstgf's event; a character who is an inorganic lifeform official art 1
Hugot 36
New Normal..
Isang gabi, naisip ko na sana bumalik ako sa pagiging bata. Mga panahong wala akong iniintindi kundi ang makapunta sa paborito kong kainan. Makabili ng Barbie. Makapaglaro sa hapon kasama ang mga kaibigan ko. Pumasok sa eskwelahan habang humihikab ng matindi. Inaalala ko na sa unahan na naman ako pupwesto sa flag ceremony kasi nga kinulang ako sa tangkad. Mga panahong iniisip ko kung anong subject ang ibabagsak ko sa periodical exam kasi gusto kong malipat sa pangalawang section na natupad naman nung nag-highschool ako.
Naisip ko ring bumalik sa kolehiyo, na wala na kong maalala. Iilan na lang. Ngayon, ang naalala ko na lang ay yung mga panahong nagtrabaho ako bilang student assistant kay Ma’am Atanacio. Sa computer shop niya na kapag darating siya at mahaba ang pila sa printing section e matataranta ka lalo. Makapagduty ako dun tuwing miyerkules o sabado na puro mga masusungit na Masteral students ang nagpaprint. Ang daming pinapaprint tapos gusto mabilisan. Ngayon, kahit tignan ko ang mga lumang litrato, wala na kong matandaan. Ganoon ba talaga kasalimuot ang aking karanasan sa labas ng bahay namin at halos 95% nito ay di ko maalala.
Hindi ko alam pero laging nasa isip ko ay magsimula ulit. Siguro ganon din naiisip ko noon kaya kusa na lang nawawala sa utak ko ang mga nangyari. Kahit yung mga rally na nasamahan ko, hindi ko na maalala. Ang naaalala ko na lang ay yung pag-ibig na nararamdaman ko sa kanya. Siya na una kong karanasan sa same sex relationship.
Nitong mga huling araw, palagi ko siyang napapanaginipan. Hindi ko na maalala ang pangyayari nararamdaman ko ang nakaraan. Pakiramdam ko, 2008 pa rin. Pero siya na lang ang naaalala ko. Kagaya ngayon, naluluha ako habang naaalala ko siya. Hindi ko na matandaan kung bakit kami naghiwalay, basta ang alam ko, lagi akong nagsisinungaling noon kasi ayokong makita niya yung totoong ako. Baka kasi hindi na niya ko mahalin, baka kasi hindi na niya ko tanggapin. Si Jennifer. Napakacommon ng pangalan. Pero totoong may Jennifer na dumaan sa buhay ko at hanggang mgayon ay patuloy pa rin niya kong tinuturuan kung paano magmahal, kung paano mabuhay at paano mapapabuti ang lagay ko. Hindi niya man alam, pero sa bawat panaginip ko kasama siya, may mga aral akong natututunan. May mga bagay akong nadidiskubre.
Huling beses na kami ay nag-usap ay nais na niya isipin na lang namin na hindi kami nagkakilala. Masakit. Siguro nga, siya talaga ang one great love ko. Hindi ko alam. Pero ngayon, wala na ang kwento namin. Yung totoong nangyari noon ay wala na sa utak ko. Parang wala na talaga akong nakilalang Jennifer noon. Pero kahit tanungin mo ang mga taong nakapaligid sa’min noon, meron talaga kaming nakaraan. Mapanakit ako noon, akala ko kasi kapag takot siya, hindi niya ko bibitawan. Pero ganon pala ‘yon kapag tumatak sayo yung tao, kahit magdaan ang ilang taon o dekada, mahuhukay pa rin sa kaibuturan ng iyong puso yung pagmamahal mo sa kanya.
Para sa’yo itong sulat na ‘to. Alam kong lalaitin mo ‘to pero kung makarating man sa’yo ‘to. Hindi kita nakalimutan. Kahit noon na may iba akong kasama sa buhay, hindi kita nakalimutan. Lagi kong inaabangan ang mga panaginip ko kasama ko. Kung may mundo man na nageexist ang pagmamahalan natin, sana hindi ka pabayaan ng version ko doon. Sana mahalin ka niya doon ng walang pagsisinungaling, walang pananakit at walang kapantay. Gustuhin man kitang makita at makausap, malamang ay hindi na talaga pwede. Kung may ihihiling man ako o papangarapin dito sa mundo kung saan tayo ay may nakaraan, nawa ay maging masaya ka. Pangarap kong bumuo muli ng alaalang hindi ko gugustuhin kalimutan kasama ka. Pero hanggang pangarap na lang ‘yun.
Kamusta ka? Mag-iingat ka at nawa ay muli kong makita sa mundong ito ang mga ngiti mo.
✨|| piplup moodboard
for @firstgf's event; an edit based on a childhood interest official art 1
Always been an #artist. #papareese17 #firstGF #2002 (at Ramapo High School (New Jersey))
So I think I love her
Yes, most definitely. 😊
I remember being in Kindergarden and having a girlfriend who loved to play wife and wife with me. She would hold hands with me and sing to me. Lol the memory makes me realize how gay I was when I was little without even realizing it.