Singkwenta pala silang lahat.
Shet, sana makaya namin ito. Well, alam ko namang keri namin yun, pero shet, sisenta singkwenta talaga silang lahat.
Pero happy. Got what I/we wanted. Singkwenta compared sa mga nahilang more or less 30? Panalo pa rin kami. *thunder&lightning*
Masyado yata akong nasiyahan sa buhay TV at Internet lang. Sa lunes na pala enrollment. Kailangan ko pang i-check ulit ang kalendaryo bago ko tuluyang replyan si Bev.
Sana magkita-kita tayo dun. :)
Pero kung hindi man, maiintindihan ko naman. Ang init-init na naman kasi ng panahon. Nakakapagod tuloy gumalaw.
Sabi ko dati pagkatapos ng internship ko baka lumitaw na ang sagot sa kung ano ba talaga ang gusto ko sa buhay. Siyempre given na yung pagsali ko sa Super PR firm (Sotelo, 2008) na last year pa pinaplano, pero siyempre anong gagawin ko muna bago yun di ba? So sabi ko, after 198 season, maybe I will know.
Naging sort-of self-fulfilling prophecy naman siya.
Nung huling araw ko sa Malacañang, tinanong ako ng editor ko over the phone kung gusto ko ba daw talagang maging reporter pagkatapos grumadweyt. At seryoso talaga ang tono niya nun ha. Although hindi naman ito ang unang beses akong matanong ng ganito, tila nawawalan pa rin ako ng hininga tuwing maririnig 'tong tanong na ito.
"Oo naman po!" sinabi ko sa kanya (at sa kanila na rin dati), in a tone that seemed to say it was the most commonsensical and the default answer for me.
Ang hindi ko naman nasabi sa kanya ay ito: na oo, gusto ko yung trabaho at gusto ko sana, kung hindi man pagmamalabis at hangga't maari, sa kanila ako magtatrabaho, pero may tatlong bagay na makakapigil sa akin kung sakali:
incompetence dahil baka hindi ko mapantayan at hindi ko kayang makipagsabayan ang galing ng mga reporter nila;
self-confidence dahil matagal ko na atang isyu ang aking pagiging mediocre-slash-loser writer (depende sa mood); and
other unavoidable circumstances tulad na lang ng no vacancy.
But I have to give props to them, really, for giving me the best experience ever in this entire journ-life. Sabi daw ni REK kay Mimi, sa kanila daw ang isa sa mga pinakamagandang internship program. Agree naman ako. Masyado nga akong naooverwhelm sa swerte kong ito.
Maaring armado ako ng mga kaalaman galing sa akademya, pero totoong iba pa rin pag andun ka sa field. Parang sa pagtugtog lang ng instrumento: you learn the basics, and then you're on your own to create your own magic.
Kaso, walang magic-magic sa journalism eh. At sa labing-anim na araw na iyon---with all the pressures of writing fast and beating deadlines, of scooping and being scooped, of writing about some issues you didn't even give a flying fig before, and of all the other shit that comes with the internship---I must say ang dami ko talagang natutunan, at feeling ko talaga babalik ako sa Plaridel na iba na sa dating estudyanteng kilala ng departamento.
Well, feeling ko lang naman. Haha. *sabay banat*
Wala pang June pero nililimas ko na ang allowance ko. Anuber anuber. Sa bawat purchase ng gamit (bluetooth ni PC, headphones ni Rufus, sandamakmak na net card), sa bawat pagpapautang sa mag-ina ko at sa bawat pagbabayad ko sa haggaaargh na kalipunan na iyan, parang gusto ko na lang malusaw. Ni ayoko na ngang makita yung ATM ko eh.
Kukuha na nga lang ako ng Student Loan ulit. Hihihi.
Ito ang unang beses na hindi ako excited pumasok ulit. 'Di ba pag gusto, may paraan, pag ayaw maraming dahilan. O eto sila.
1. Kasi wala naman akong mahabang bakasyon.
2. Kasi June is eve of July. And July is MCO month. Hihihi. *cracksknuckles*
3. Kasi inurong ni GMA ang holiday sa June 9. Aanhin ko yun? Hindi naman nila alam dito ang bagong sked. Huhu.
4. Kasi naman the transition from a J102-oriented summer to thesis-/feature-/ interpretive-writing-filled sem. C'mon.
5. Kasi tinatamad pa talaga ako. Pagod pa ako eh. I wanna bum pa. Waaah.
Yun yun eh.