Trip lang pala niya lahat.
Huuuu. Di na ako nasasaktan nang sabihin yan ni Aro sa akin, na-trip niya lang lahat. He lied to me. At dalawa kaming pinagsabay niya noon. Ewan. Kagabi kasi sinubukan ko mag-open up sa kanya. Gusto kong malaman ang totoo. Nahirapan ako kasi natatakot ako sa maaaring sabihin niya sa akin o kung ano iyong rason. Nahihiya rin ako kasi nag-bring up pa ako eh, 6 months na iyon. Pero ayaw kong mamuhay sa what-ifs. Isa pa, sinulsulan ako ng kaibigan ko na gawin iyon. Uto-uto naman ako, kaya ginawa ko na. Kinapalan ko na mukha ko. Huuuuuuu. Tapos, ayun, nahirapan yata siya na sabihin iyong totoo kasi kaninang hapon lang siya nag-reply sa akin. Sinabi niyang trip niya lang daw. He lied to me. Nanligaw siya sa akin while nanligaw siya sa past niya. Panliligaw na pala iyon? Ahhahahah. Di ko napansin. Anyway, sinabi ko na rin sa kanya lahat. Kahit nahihirapan ako sa pag-o-open up. Ayaw ko malaman niya iniisip ko eh. Pero di bale, buti na rin. Hindi ko rin kasi alam paano mag-handle ng relationship kung sakaling naging kami nga. Tsssk. Pero nakakapanghinayang pa rin.












