Exams are over. Sorry naman, advance kung magbigay ng exam yung mga instructors ko. Nakakatamad na kasi pumasok sa Monday. HAHA
Inaral ko talaga yung topic namin dun sa Strength of Materials. Nagbigay kasi ng figure yung instructor namin the day before our exam. Binigyan niya kami ng hint. Actually pamigay niya na talaga yun. Sabi niya baka yun rin lang yung ibibigay niya sa exam; baka daw palitan niya lang yung distances or baka baliktarin yung figure.
Nagrequest kasi si Aura na agahan ko daw kasi magpapaturo siya sa akin. Potek. Siya itong take two na sa subject, siya pa itong nagpapaturo sa akin. Naaawa lang ako sa kanya minsan kasi nakikita ko namang inaaral niya din yung topics pero yung nga lang lagi rin siyang bumabagsak. Tapos napangiti ako nung nagrereview kami kahapon kasi sabi niya: Sana lagi kitang kakase. Kinilig ako kuno. HAHA Landi. Natutuwa lang ako kasi nakitaan ko siya ng improvement; tsaka nakakatuwa rin na may naitutulong ako. Eh kasi kahit ganun yun, napaka-good influence niya. Nate-tempt akong ilabas na lang yung sinolve naming problem para yun na mismo yung i-pass ko tapos sabi niya: Hindi ko pinangarap gawin yan, bumagsak na lang ako kaysa magcheat. Huwag mo yang gagawin. *palakpakan* Honor before excellence. Hindi ko ginawa. Sariling sikap yung pagsagot ko sa exam. Salamat, friend.
Then yung last exam ko. Alam mo yun, yung mapapamura ka kasi ang hirap hirap nung exam. Yung tipong mapapasigaw ka ng 'Hindi naman tinuro ito!!!' ? Ang hirap nung second problem na binigay. Pamigay din kasi yung first problem, galing siya dun sa last quiz namin. Pero napamura talaga ako dun sa pangalawa. Punyeta, ang dali dali dali dali (superdali) nung binigay niyang example tapos dun sa exam... shit lang. Wala siyang tinurong ganon! Wala! WALLLLLLLAAAAAAAA!!!!!
15 minutes ko kasing natapos yung first problem. Pagkatapos nun, nakatunganga na lang ako. Bahala na. Kung anu-anong ginawa ko dun, basta may sagot. HAHA
Shit talaga. Dalawang taon na lang (hopefully) at I swear, 'pag ako grumaduate, sisigaw ako ng: I SURVIVED MECHANICAL ENGINEERING!!!












