008/365
Pinagtritripan na naman ako. HAHAHA
Hindi ko ba alam kung bakit inaantok ako gayong maaga akong natulog. Maaga na yung 11pm para sa isang engineering student gaya ko. haha. Inaantok talaga ako at hindi ko ma-absorb yung dinidiscuss ni Engr. Itliong. Physically present, mentally absent -- ganyan ang sitwasyon ko kanina. Pinipilit kong manatiling gising, pero ang hirap. Ang hirap!
Nang maliwanagan ako, nagtatawanan na sila. Tapos may tinatanong si sir. Di ko ma-discern kung ano yun. Tinanong ko ulit mga kaklase ko kung ano ba yung sinabi ni sir. Tinatanong pala niya ako kung may hangover daw ba ako. HAHA Langya. May hangover agad? Sige, ako na naman nakita mo Sir. Lagi na lang. HAHA
So ang schedule ko eh 7:30-4:00 at sa umaga, may tig-1 hour break sa pagitan. Natulog lang talaga ako. Tapos maaga kaming na-dismiss sa Thermo2 matapos i-announce yung mga grades namin (kakahiya lang ah) at natulog ulit ako! HAHA Tapos maaga din kaming na-dismiss sa Machinery Lec... for the record, NATULOG ULIT AKO! HAHAHA Ang sarap matulog, pero KULANG!
Naglunch ako. Natural mag-isa ko lang. Kasi nga irregular student ako, hindi ko kasama mga kaibigan ko. Loner lang. DeJoke. Siyempre may mga kakilala akong nakakasabay ko din naman. Dahil puro ako tulog, kakain naman ako. Ate, isang bopis, isang adobo, tapos dalawang rice. Ganyan ako um-order. At akin lang talaga yan. Sorry naman, sampu ata tiyan ko. HAHA Wala naman kasi akong paki-alam kung pinagtitinginan ako dun. Gustong gusto nga nung may-ari nung karinderya kapag ganun ang order ko. HAHA At hindi pa ako busog niyan.
Machine Shop namin, itutuloy ko na project ko. Naglalaro kami ng cards-- Pusoy Dos. Biglang pumasok si Sir Itliong (siya ulit). Akin na nga yan! Malakas at pagalit niyang sinabi. Sabay kuha nung cards na hawak ko. Tapos nakipaglaro siya. lintek. Na-heart attack ako! Akala ko talaga galit na siya kasi lagi na lang kaming naglalaro ng cards pag klase niya. Nakakatakot kasi magalit si Sir. Promise. Kaya nga pag alam naming badtrip siya, behave na behave kami. Pero talaga yung kanina.. sobra, nakaramdam ako ng panandaliang kamatayan. Joke niya lang pala iyon. Strike two na ko ah!
Gagawa na nga lang ako ngproject. HAHA For the first time, humingi ako ng tulong sa paggawa ng project. Migs, patulong nga dun sa drilling press. Aba, si Miguel lang hiningian ko ng tulong tapos pati yung ibang boys, tumulong na din. That's why I love you guys eh. HAHA Kaso palpak nga lang. Hindi kasi nakasentro yung binutasan naming brass. Pero OK lang. Tanggap ko. Noob kasi kami. HAHA
Kailangan ko ng remedyohan yung project ko. At di ako maka-get over sa pangtritrip ng instructor ko. Grabe talaga nung hapon. Shat. Akala ko papagalitan na kami, pinagtritripan lang pala... lalo na ako. HAHA















