KARL MARX: From Capitalism to Communism
Isa sa pinakakilalang personalidad sa mundo ng Sosyolohiya si Karl Marx. Siya ay isa sa pinakamahalagang tao na nagmulat sa bawat tao upang isipin ang kapakanan ng isang lipunan. Si Karl Marx na ipinanganak noong ika-5 ng Mayo taong 1818 sa Trier Germany, ay kilala bilang Ama ng komuniso. Siya ay naging isang manunulat ng Dyaryo at di kalaunan ay naging editor nito. Ngunit, di rin nagtagal ay hindi ito naging matagumpay. Kilala si Marx bilang isang rebolusyonaryo noong kaniyang panahon. Ang kaniyang mga isisnusulat ay tungkol sa mga problema at kalagayan ng mga mamamayan sa isang lipunan. Sa katunayan, humigit sa kalahati ng mundo ang naimpluwensyahan ng mga aklat na isinulat ni Marx na nagudlot sa kanila upang mag rebolusyon. Mula rito, masasabi natin na isa si Marx sa mga nagmulat sa mga tao kung bakit hindi nagiging maunlad ang bawat isa.
Ang sistema sa loob ng isang lipunan ang napiling pag-aralan ni Marx noong panahon niya. Siya ay naghanap ng kasagutan kung bakit may mga taong namamatay pa rin sa gutom at nananatiling hindi maunalad ang pamumuhay. Ayon kay sa kaniya, ang sanhi ng hindi pag-unlad ng isang lipunan ay dala ng sistemang Kapitalismo kung saan ang mga namamahala sa isang lipunan ay mga kapitalista. Ang Das Kapital at Communist Manifesto ay ilan sa mga aklat na naisulat ni Marx na naging doktrina ng mga bansang Komunista. Kalaunan, nang si Marx ay pumanaw, nabuo ang konspeto ng Marxismo.
Ang Marxismo o Marxism sa ingles ay ang ideyolohiya kung saan ang mga tao ay lumalaban o galit sa mga kapitalismo. May tatlong bagay na pinagtuunang panisn ang Marxismo, una ay ang Dialectical Materialism kung saan itinuturo sa mga tao na ang mga bagay o pangyayari sa isang lipunan ay magkakaugnay at patuloy na nagbabago, Historical Materialism kung saan pinapairal ang konsepto ng Dialectical Materialism sa mga naunang panahon/kasaysayan at Political Economy na ginagamit bilang basehan ng mga katotohanan, problema at pangayayari sa isang lipunan.
Dahil sa patuloy na paglaganap ng sistemang kapitalismo sa isang lipunan, kasabay nito ang pag-iral ng “Forced Labor.” Ang trabaho ay isa sa pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan ng isang lipunan. Ito ay ang isang gawain na hindi lamang ginagawa para tayo ay mabuhay, ito ay isang bagay na mahalagang magdulot kasiyahan at pagkabuo sa isang tao. Sabi nga, “there is a greater degree of humanity if labor is achieved.” Mula sa mga prinsipyo ni Marx, ang tao ay may kakayahang umunlad dahil sa kaniyang taglay na kamalayan. Ngunit, sa mundo kung saan umiiral ang kapitalismo, ang mga tao ay hindi umuunlad bilang isang tao sapagkat hindi niya nakikita ang kaniyang sarili sa kaniyang trabaho. Ibig sabihin siya ay hindi nagiging masaya. Tinatawag itong Alienation. Ang Alienation ay ang pangunahing rason kung bakit hindi nagagawang maging “buo” ng isang tao mula sa kaniyang trabaho sapagkat bukod sa hindi nasusuklian ng sapat na kita ang kaniyang pagod at pinaghirapan, siya ay hindi nagiging masaya sa kung ano ang idinidiktang trabaho ng kaniyang kapitalismong amo.
Sa aking pananaw, tunay ngang namamayani ang mga kapitalista sa ating bansa ngayon. Marami sa ating kapwa mamamayan ang patuloy na nagugutom, naghihirap at naabuso ng mga kapitalistang makasarili. Kung ating papansinin ay mabibilang mo pa rin ang mga taong regular, nasisiyahan at nakakatamasa ng mga karapatan bilang mangagawa sa kanilang mgatrabaho, ang lumalaganap sa ating bansa. Sa katunayan, ang aking ama ay isang kontraktwal na trabahador ng isang maliit na kumpanya. Siya ay isang welder. Alam ng aking ama na ang kaniyang ‘boss’ ay isang kapitalista na patuloy na pinagdadamutan ng mataas na sahod at mga benepisyo ang kaniyang mga manggagawa. Ngunit sa kadahilanang siya ay may edad na, hindi niya magawang umalis o labanan ang problemang ito kaya pinagtityagaan na lamang niya ang kaniyang sitwasyon. Mula rito, masasabi ko na isa nga sa sakit ng lipunan ay ang kawalan ng kalakasan ng mga naabusong manggawa. Dahil sa mga paghahari ng ibang kapitalista ay hindi na magawang umunlad ng bawat pamilyang mahihirap sa bansang ito. Masasabi rin natin na hindi lamang sa malalaking kumpanya namamayani ang mga kapitalista. Kagaya ng boss ng aking ama, hindi pa man din malaki ang kaniyang kumpanya ay hindi na niya minamahal ang kaniyang mga manggagawa. Masasabi ko na nawala sa bawat isa sa atin ang pagiging makatao. tayo ngayon ay nakatira sa isang mundong makasarili. Tayo bilang tao, mula nga sa nabanggit kanina, ay may kakayahang maging maunlad dahil tayo ay may kamalayan. Mayroon tayong sapat na karunungan upang malaman kung ano nga ba ang tama at mas nakakabuti para sa atin. Mahalaga na malaman ng bawat isa sa atin na hindi dapat tayo pumapayag o nakukuntento na lamang sa kung ano at sino ba ang “tayo” sa kasalukuyan. Kinakailangan nating isaisip na ang pagkakaroon ng kamalayan sa ating kapaligiran ay isang mahalagang bagay sapagkat ito ang makakatulong satin upang tayo ay umunlad at maging ang lipunan.











