George Ritzer: The Consumer Society and the New Means of Consumption
Bukod sa pagkukumpara ni George Ritzer ng kaniyang teorya sa ginawa ni Max Weber sa isang Fast Food Chain, may mga teorya rin si Ritzer ukol sa kaniyang ideya sa paraan ng pagkonsumo ng isang lipunan. Kagaya ng sinabi ni Jean Braudrillard, naniniwala si Ritzer na nagkaroon ng pagbabago sa paraan ng pagkonsumo ng mga mamamayan ng isang lipunan sa ngayon kumpara noon. Subalit, mas binigyang pansin ni Ritzer ang paraan ng pagkonsumo ng mga tao batay sa reyalidad na pangyayaring ating ginagawa sa isang lipunan.
Ayon kay ritzer, malaki ang pinagbago sa paraan ng pagkokonsumo ng mga tao. Ayon nga sa kaniyang teorya ukol sa Mcdonaldization, mas ginugusto ng mga mamamayan ngayon ang mga âmabilisangâ pagpoproseso ng mga bagay bagay. Kung dati ay ang paraan ng pagkonsumo ay kadalasang ginagawa sa mga âphysical storeâ ngayon ay maari na nga tayong makabili ng mga produkto sa pamamagitan ng mga âonline store.â Kung dati ay kailangan pa nating pumunta sa ibaât-ibang lokasyon upang bumili ng kape, cake o mga iba pang uri ng pagkain, ngayon ay maari na lang tayo pumunta sa mga âmallsâ kung saan maari nating sabihing isang komunidad kung saan makakakita ka ng bilihan ng kape, ng cake, at ng iba pang uri ng pagkain sa iisang lokasyon lamang. Mula rito, ipinihayag ni Ritzer na ang modernisasyon ng lipunan sa paglipas ng panahon ay nagbunga ng pagkakaroon ng pagbabago sa paraan ng pagkonsumo ng mga mamamayan ng lipunan.
Ang pagkonsumo ng higit sa ating pangangailangan at pagbili ng mga bagay na sunod lamang sa ating luho ay ipinihayag ni Ritzer  bilang âHyper Consumption.â May tinatawag si na âPhantasmagoriaâ o ang konspeto kung saan ito ang nagsisilbing âdream worldâ o mga imaheng sumasalamin sa tunay na pangyayari. Ito ay kadalasang mas pinipili ng mga indibidiwal na pagbatayan kaysa ang tunay na pangyayari upang makakuha ng impormasyon. Dito pumapasok ang konsepto ng âDematerializedâ kung saan nagkakaroon ng mababang pagkonsumo sa mga bilang ng mga materyal para sa produksyon. Halimbawa nito ay ang kaisipan ng mga tao na bakit pa kailangang makita ang aktwal na pangyayari kung makikita naman nila ito sa media?
Katulad ng konspeto ni Braudrillard ukol sa Hyperreal, sinasabi ni Ritzer na lumalaganap na rin sa lipunan ngayon ang ibaât-ibang hindi makatotohanang disenyo o âsimulationsâ o kaya naman ay ang mga promo  na siyang nagsisilbing pampukaw ng atensyon at ng emosyon ng mga mamamayan upang tangkilin ang kanilang produkto. Halimbawa na lang nito ay ang napapanahong âSamgyupsal Storesâ kung saan nagkaroon ng adaptasyon ng paraan ng pagkain ng mga koreano ng inihaw na karne ng baboy o baka na ikaw mismo ang magluluto sa iyong lamesa. Dahil sa kanilang unlimited promo at kakaibang set-up ng tindahan, marami ang napupukaw nito kahit na mahal at mataas ang presyo.
Bilang isang mamamayan ng lipunan natin sa panahon ngayon, masasabi ko na ako mismo ay nagkakaroon ng mga pagkukulang sa pag-iisip ng kritikal sa paraan ng aking pagkonsumo sa ibang bagay. Halimbawa ay sa mga araw na ako ay pumapasok sa eskwela, madalas ay mas pinipili kong kumain sa mga mamahaling kainan kagaya ng Fast Food Chain kaysa sa mga simpleng kainan tulad ng Karinderia, na siyang bunga ng aking hindi pagbubudget sa aking baon. Dahil sa aking pagkukulang sa matalinong pag-iisip at padalos dalos na desisyon, hindi ko nagagawang gawing rasyonal ang sistema o plano ko sa aking pagkain. At sa mas malaking aspeto, masasabi ko nunay na ngang hindi nagiging rasyonal ang pag-iisip natin ngayon. Madalas, tayo ay nagpapadala sa ating emosyon, luho at mga kagustuhan natin. Hindi nating nagagwang mag-isip ng kritrikal sa kung ano ang maaring bunga ng ating padalos dalos na desisyon. Mahalagang maunawaan ng bawat isa sa atin na ang tamang pagkokontrol sa ating sarili ay kinakailangan upang maiwasan natin ang mga pangit na sakit sa ating lipunan. Hindi tayo dapat nagpapabulag sa mga pekeng kaisipan na siyang nagsisilbing hadlang upang mamulat tayo sa reyalidad na nangyayari sa ating kapaligiran.











