Nostalgia hour: Al's birthday (circa 2010)
seen from China

seen from United States

seen from Italy
seen from Germany

seen from United States

seen from United States

seen from Germany
seen from China

seen from United States

seen from Australia
seen from Australia

seen from United States
seen from China
seen from Australia

seen from South Africa

seen from Netherlands
seen from Germany
seen from Thailand

seen from United States
seen from United States
Nostalgia hour: Al's birthday (circa 2010)
Di nga nag uusap
Magkaibigan pa rin naman. Alam mo yung pakiramdam na hinde mo na nakakasabay sa dash yung mga dati mong kasama tumawa tuwing primetime? Tapos bigla mong bibisitahin uli yung mga blog nila at bonggang backread ka. Nakakamiss nga pero alam mo sa sarili mo na isang hi at hello lang e papansinin ka pa rin nila, yung hinde ka de0deadmahin sa daan kapag nakasalubong mo, yung kilala ka pa rin kahit hinde na kayo parehong aktibo dito.
Kakatwa lang na napapakinabangan ko ang facebook ko sa pag kamusta sa mga naging friends ko dito. Nakakamiss ang meet up na organized ng mga taong unang nakilala mo. Nakakamiss lang bakit ba ang drama nakikisabay sa ulan.
I miss plain meet ups
Yung tipong hinde pa nauuso yung "meet ups" sa tumblr page. Yung tipong may mag popost lang tapos irereblog ng mga tropa then poof meet up na. Wala pang masyadong hiyaan, grupo grupo at plastikang masyadong lantad, at higit sa lahat may sense pang kausapa ang mga kasama mo. Wala namiss ko lang K. Nandito sa school at naghihintay ng klase ng 2pm >:)
Dear fuckyeahbarkada,
Namimiss ko ag dating dashboard ko. Kaso ang dami ng nagbago ng URL at mukhang nawala sa sirkulasyon dito. Ang karamihan naging busy na at iba na rin siguro ang trip. Mahirap na din kasi mag track tag ng "tumblrkada" kasi uso na siya ngayon. Nakakatawa lang na dalawang taon na rin pala tayong nagkakakilala. Mula sa nabuong unang bente kwatro(24) hanggang sa mga extension ng tropa na kagaya ko at ng iba pa.
Tanda ko pa na may bigla na lang babanat ng "ang pag-ibig parang..." tapos ayun sunod sunod na ganun ang mababasa pero walang nagrereklamo. Trending slash "tumblr primetime" na hinde nakakasawa kasi may specific na time frame lang an ganung eksena.
Tapos magpopost ng TTH ang ilan na totoong pang TTH nga at hinde yung trip trip lang o masabing kita ang legs at cleavage e TTH na daw. Ika nga nila, "hinde pinagisipang TTH entry.
E yung biglaang may mag aaya ng kita kita o di kaya may birthday celebration ang isa? Yung nag overnight kayo tapos yung iba nakatunganga sa dashboard at maiinggit kasi potek na yan magpapicture at ipost sa tumblr para mainggit ang di nakasama, e di biglang nauso ang "bitterkada"
How I wish na makita pa ang mga pasimuno ng "tumblr pm meets tumblr am" yung tipong papasok na sa trabaho at eskwela ang iba e nagtatumblr pa din sila. Kakaiba di ba.
Ang sarap tuloy magbasa ng archives at tawanan ang sarili sa mga kalokohang hinde mo pinagsisisihang ginawa mo kahit tumatawa ka mag isa sa kwarto mo. Iniimagine na kasama mong tumatawa yung nasa dashboard mo.
Tapos yung dalawang foreign members este nasa ibang bansa na laging kausap namin, si theallyeezy saka si missmich. How i wish lang na ganun lang din ang dati. Pero syempre, magkakatrabaho din sa hinaharap. Malalaman ang tunay na hirap at pagod ng pagiging miyembro ng lipunang nagbabayad ng buwis at nakakaltasan ang sahod.
Pero kahit ano man ang mangyari, nandiyan pa rin naman ang masasayang alaala, natitirang pagbabarkada, at walang sawang pagpapaalalang, hinde naman kai nawawala, nandiyan lang sa tabi tabi at nagliliwaliw at naghahanap lang ng bagong mapagtitripan kaibigan.
PS: hindeng hinde ko pala malilimutan ang picture with a condom ni chen haha :P
Nakakamiss ang matatanda
Este mga kasabayan ko sa dash ko
Di naman na updated kung "tumblrkada" tag ang gagamitin ko kasi naman ibang mga tao na ang nagamit ng track tag na yun. Buti na lang friends ko naman sila sa fb. Nakakamiss magtawanan sa dashboard buong magdamag. Pero siyempre nagbabago ang hilig at pangangailangan ng tao as time passes by. Masaya lang na hinde pa rin nagkakalimutan magkamustahan kahit paminsan minsan at kahit papano e bumabalik yung mga masasayang sandali.