Character. Voice. Character Voices I-build muna 'yung character bilang isang indibidwal bago pagandahin ang boses at lumikha pa ng maraming boses bilang isang Certified Voice Artist. Siguro, ito ang pinaka-take away ko sa Week 2 ng CVAP. Akala ko kasi dati, kaya within ECQ na mag-freelance ako as an audiobook narrator or voiceover artist pero grabe! Anlaking dagok sa akin ng Fantech Leviosa, Trident TR-703. at Behringer Xenyx X1622.
Parang naging Alctron PF8 at isang voice box ang Week 2 session sa akin nang i-filter nito ang mga mali kong pananaw dati sa pagsuong sa voice acting job opportunities.
Akala ko kayang madaliin.
Ngayon, alam ko nang ang character na kinakailangan ay pagiging PATIENT.
Passion projects muna. 'Di pa nga maayos equipment ko, e. Kulang pa nga ako sa practice, e.
'Pag dumating 'yung oras na afford ko nang bilhin ang mga iyan, praktisado na ang boses ko, ay naku! Tiyak 'di lang character voices ang kaya kong gawin. Remain humble lang.















