'Pag ba sinabing Fully Voxinated, gumagawa ng reels sa Facebook? Sumasayaw sa TikTok? Nagre-release ng kanta sa SoundCloud? O baka naman, gumagawa ng content sa Youtube? Maaaring isa diyan.
Pero lahat ng platapormang iyan, binuksan sa akin ng Certified Voice Artist Program para i-try ko naman.
What if dahil dito may ibansag din sa akin na "*toot* master?"
Well, let's wait for time to tell ano ba ang ma-master ko sa makulay kong lifetime. (inner vox says skillmaster daw :P hahahaha kasi uhaw ako sa skills lalo't lumaki akong puro academics ang nahasa)
Anyway , wow na wow dahil pwede palang bayaran si FB para mataas reach ng video ko na ginawa kong reel? Ayos! Nakaka-excite palang makita 'pag may 100+ views yung upload ko sa TikTok kahit 'di ako sumasayaw (kasi ampanget ko talaga sumayaw haha what if 'yun ang i-next workshop? jk!)? 'Yung SoundCloud na tambayan ko lang dati ng mga chill music habang umuulan, bibigyan pala ako ng chance na ako naman papakinggan ko nang paulit-ulit HAHAHAHA! Nakakaaliw pakinggan demo reels at character voices ko.
Cute samples that my future self would thank me for...for at least trying and doing his best.
Tas itong si Youtube ang funny hahaha hesitant pa akong magbuo ng vlogs dati kasi sabi ko feel ko andali lang sa'kin sumikat (sensiya na po mababa loob ko sa ibang bagay pero iba talaga calling ng salitang iyan sakin hahahaha lakas makapagpataas ng apog. kaniya-kaniyang trip naman tayo hehe ito po trip ng isip ko peaceyow :P) Speaking of "sikat", saan man ako dalhin ng buhay Ng pagka-Iglesia Ni Cristo at maytungkulin ko Kailangan kong manatiling humble anuman ang mangyari. Kaya CVAP, salamat dahil pinagdidiinan ninyong nakasisilaw ang pera to the point na makakalimutan natin saan tayo nagmula. Sino at ano ang pinanggalingan natin.
My identity as a creative was humbled and appreciated at the same time. Na bilang voice artist, hindi dapat maganda na agad boses ko.
Hindi dapat magaling na akong manggaya ng maraming boses.
Hindi dapat nasa 20s 30s 40s o kung anumang -s ako kasi 'di pasok sa mga bracket na iyan edad ko.
Hindi dapat ako mukhang pera.