Share ko lang, alam ko naman na walang makakabasa nito or makakakilala sakin. Hahaha. So magkekwento ako ng mga walang kabuluhang bagay.
So I was outside kanina, nakatulala sa buwan, ewan ko ba, there’s something about the moon na nakakatulong sakin kalimutan kahit panandalian yung mga problemang hinaharap ko. So ayun nga, nakatingin lang ako sa buwan, kung ano anong tumatakbo sa isip ko. Then suddenly, tumawag sa phone ko yung tita ko na nasa US, so kinausap ko, then binigay ko naman sa inay para makausap nya. Ewan ko ba, pagkaabot ko sa inay, humiga na lang din muna ako sa tabi niya habang kausap nya tita ko.
They were talking about their lives when they were younger, yung mga araw na walang gulo sa pamilya namin, pinagkekwentohan nila yung lolo at lola ko, kung gaano sila nagiwan ng mark sa mga tao kasi nung libing nila, halos buong barangay kasama lahat nakikipaglibing. (Yun talaga standards nila kung mabait ka o hindi nung nabubuhay hahaha) Then later on, yung topic nila, nauwi sa mga kalokohan nila nung kabataan nila, kung paano sila namuhay noon. Then suddenly, narealize ko, puta, ang saya pala ng childhood nila, tangina, kahit walang pera, wala silang inaalala. Kung paano sila alagaan ng nga lolo’t lola ko, kung paano mapalo ng dos por dos na kahoy, kung paano sila lambingin. Hahaha.
Then suddenly, napaisip ako, tangina nakakainggit yung ganung buhay, ang saya siguro ng kasama mo magulang mo sa tabi mo kahit hirap kayo, di ko naranasan yun men, yung mga naranasan nila nung bata hahaha (Pero napalo din naman ako ng inay nung bata ako nung dos por dos, damn, para akong kasali sa frat nun after ng paluan sesh hahaha)
Only child lang ako and sa tita ko ako lumaki (Tita ko pala yung tinatawag kong inay hahaha) It’s been 13 years nung huling kong makita ang mga magulang ko, nasa US sila, nagwowork. Then bigla kong narealise na, parang gusto ko rin ng malaking pamilya. Parang I wanna give up sa thought na magsosoltero na lang ako hahaha.
Ever since nung break up namin nung ex-girlfriend ko, naisip ko na siguro, hindi talaga ako meant magasawa, baka meant lang ako tumanda magisa. Tho gusto ko lang ng isang anak tapos walang asawa, para lang may magalaga sakin pagtanda hahaha.
Then parang nag give up ako bigla sa thought na yun, parang gusto ko na bigla ng malaking pamilya, ayaw kong maramdaman ng magiging anak ko ang lungkot at depression na pinagdaan ko habang lumalaki ako na walang magulang sa tabi, lumaki ako na hindi big deal ang hindi pagsimba, lumaki ako na kung may problema ako, kailangan ko solusyonan magisa, lumaki ako na hindi nagsasabi sa iba kung nahihirapan na ba ako o hindi, lumaki ako na tuwing nasasaktan ako, ang tanging nagagawa ko lang ay pumunta sa banyo at umiyak kung hindi ko na kaya, lumaki akong nagpaparaya sa iba na nagbabaka sakaling kahit papano ay bigyan naman ako ng atensyon, lumaki ako na kapag alam kong makakasakit na ako at makakaagrabyado, iiwas at lalayo na lang. Lumaki akong pakiramdam ko, magisa lang ako. Lumaki akong, bigay lahat ng luho. Lumaki akong naghahanap ng atensyon sa magulang, lumaki akong natatakot ibigay ang lahat kasi takot akong makasakit at maiwanan. Kaya siguro, mas pinipili kong magtulak na lang ng tao palayo saakin para kung sakaling sukuan ko ang buhay, madali na lang, wala ng masasaktan.
Pero naisip ko bigla, ayaw ko na ng magisa, ayaw kong maramdaman ng magiging anak ko ang depresyon na pinagdadaanan ko. Gusto ko, malaking pamilya, gusto ko yung sama sama. Para walang naiiwan sa ere haha
Puta, walang kwenta naman nitong post na to hahaha.
Pero uy, hindi naman ako nagtanim ng galit sa magulang ko hahaha. Or siguro nawala na lang yung sama ng loob ko kasi habang tumatanda ako, mas naiintindihan ko yung sakripisyo nila. Masaya pa rin ako na sila yung mga magulang ko, di naman sila nagkulang sa paala hahaha. Immature pa lang talaga ako dati magisip kaya siguro ganun. Pero wag ka, after 13 long years, makikita ko na sila hahaha. Uuwi na sila this July. Di nga lang abot sa graduation ko, pero okay lang yun, haha. Huling beses na tong magisa ako sa isang okasyon, pipilitin kong pumasa ng boards, at sana, andun na sila para sa oath taking ko kapag PTRP na ako. Hahaha.
Anyway, wala lang talaga akong mapagkwentuhan ng drama ng buhay ko kaya nadamay ka tumblr. Hahaha. Okay bye!













