Maling Akala
Minsan nang mahulog Puso'y parang bang nauntog Takot, kaba iniinda Pagsugal ang tanging baraha
Damdamin na hindi mapigilan Inalala lamang kundi ang kailan Pagsasamang alam mong limitado Hiling na ang oras ay maabuso
Paru paro sa tiyan kumakawala Malaking taya sa isang yata
Tila ba'y panaginip ang nangyari Pag-amin sa mga bagay iba ang naani Sa una pa lang pala ay talo Sarili lamang ay matagal ng naloko
Paru parong akala'y nariyan Bubuyog pala nang ito'y tignan















