Walang kwenta

seen from United States
seen from Türkiye
seen from United States
seen from United States

seen from Yemen
seen from China

seen from Germany

seen from United States

seen from Germany
seen from Germany

seen from Russia
seen from China

seen from Türkiye

seen from United States
seen from Lithuania

seen from T1

seen from United States
seen from United Kingdom
seen from United States

seen from Canada
Walang kwenta
* BUHAY KO*
Nang ikaw ay dumating, Tila ako’y nahumaling. Nagkakilanlan, naging magkaibigan, nagkagustuhan, at nagkasumpaan.
Naguumapaw ang saya sa tuwing ikaw ay kasama. Hindi kayang tumbasan at hindi kayang palitan.
Isa, Dalawa, Tatlo, Apat, Lima na puno ng pagmamahal at ligaya. Ngunit, Biglang nagbago nung ako ay nagkolehiyo at ikaw ay nagtatrabaho. Ako’y nangangamba sa tuwing ika’y napapalapit sa iba. Na tila bang mas masaya ka sa kanila kaysa kasama kita.
Ako’y napaisip, baka ika’y magbago ang isip. Na ang dating sumpaan ay mapunta sa kawalan.
Ngunit sa kabilang banda ako’y panatag, dahil alam kong tayo ay matatag. Walang sinoman, ang titibag sa ating pagmamahalan.
Ikinagagalak kong makita ang iyong mukha na ubod ng saya, sa tuwing ikaw ay aking sinosorpresa.
Handa akong ibigay ang lahat sa akin. Huwag mo lang ako lisanin.
Binigyan mo ng kulay ang aking buhay. at ako ay umaasa na sana ito ay pang habang buhay.
Hindi ko kaya ang mawala ka, dahil umpisa pa lang ikaw ay ipinaglalaban ko na.
Hindi madali ang pinagdadaanan, pero alam kong ito’y malalapagpasan.
Hangga’t alam kong ako’y mahal mo pa rin, ikaw ay patuloy kong mamahalin. At kahit ako’y iyong lisanin, ako ay nandirito pa rin.
Ikaw ang dahilan kung bakit ako ay patuloy na lumalaban. Mahal ko, Ang BUHAY KO.
Title ng Teleserye sa ebe-es cebe-en ... 1 #magingsinokaman 2 #pangakosayo 3 #mulasapuso #machorousell #cutieedz #babycedric (at Southpole Central Hotel)
Lord.. 91514
Sorry…
1. Kasi hindi ko kayo nakakausap ng maayos these past few days. Lagi akong inaantok agad. Pero puyat naman tuwing iba kausap. Sorry talaga.
2. Dumali na naman po pagiging madaldal at opinyonada ko. May mga bagay po akong nasasabi na naman na hindi naman dapat sabihin.
3. Chumika na naman po ako. Hindi ko naman na po dapat pa malaman pero inalam ko.
4. Kung nagpupuyat na naman po ako. Hindi ko na naman inaalagaan sarili ko. Sorry.
Thank you..
1. Sa lahat ng blessings. Mapamaterial, food or pera. Alam ko pong lahat ng meron kami, sa inyo galing.
2. Sa mga taong nagtitiwala sakin. Madami parin pong nagsheshare at nagoopen up sakin. Sana po maging karapat dapat ako sa mga shineshare nila sakin.
3. Sa mga taong naniniwala sakin. Madami parin pong humihingi ng payo sakin at feel na feel ko naman po. Guide my words po na sinasabi sa kanila. Sana makatulong at hindi mapasama.
4. Sa mga taong sumusuporta at nagabay sakin. Lalo na sa pamilya. Sa redemptoristas.
5. Sa mga taong nagmamahal sakin. Lord, thank you talaga. May mga tao sa buhay ko na sobra sobra pagmamahal sakin. Sana po masuklian ko sila. Hindi man sapat pero kahit papano diba?
Sana..
1. Lahat po ng tao ngayon ay mapayapa. Alisin niyo po lahat ng takot, galit, pagod o ano pa sa kanila. Sana po kahit ngayong gabi lang, ngayong moment na ‘to, gumaan pakiramdam nila.
2. Patuloy na paggaling po ni Inay at Daddy Lolo at lahat pa ng may sakit. Lalo na yung mga hindi kayang magpagamot sa hospital. Lord pls. Send people na makakatulong sa kanila.
3. Lagi ko rin pong ipinagdadasal ang kaluluwa ni Tatay. I miss you so much. I love you. Pati po kaluluwa ng lahat pa ng namayapa na. Lalo na po yung walang nakakaalala. Sana makapiling na po nila kayo.
4. Our everyday needs padin po. I know that you’ll provide.
5. Para sa sarili ko naman po, help me become a better person, friend, classmate, sister, daughter pati na stranger. Alisin niyo po negative attitudes ko. Omg baka walang matira lol. Sana maging mabuti na akong tao.
I love you po. Above all. Kayo lang talaga pinakamataas. Amen.
Maling Akala
Minsan nang mahulog Puso'y parang bang nauntog Takot, kaba iniinda Pagsugal ang tanging baraha
Damdamin na hindi mapigilan Inalala lamang kundi ang kailan Pagsasamang alam mong limitado Hiling na ang oras ay maabuso
Paru paro sa tiyan kumakawala Malaking taya sa isang yata
Tila ba'y panaginip ang nangyari Pag-amin sa mga bagay iba ang naani Sa una pa lang pala ay talo Sarili lamang ay matagal ng naloko
Paru parong akala'y nariyan Bubuyog pala nang ito'y tignan