Showtime: The Best!
Natapos na rin ang Bida Kapamilya Celebrity Final. Hindi ko alam ko naging boring o masaya ang edition na 'to ng Showtime dahil hindi ko ito masyadong napanood dahil nga may pasok (hanggang sine mo to lang ako palagi). Pero isa lang ang masasabi ko The Best ang Finals. Grabe sa hatawan at kabogan na kung kabogan. Lahat ng 12 na kasali sa finals ay ang gagaling talaga (hands down ako sa inyo). Ang galing talaga ng mga judges na pumili ng labindalawang ito, grabe thumbs up ako sa inyo.
At wala ng akong masabi sa mga hurado ng Finals, makikita mong pinagpilian nilang mabuti ang pagpili ng Top 3 para sa Grand Finals.
Kaya Congratulations kay Isabel Granada and Kapamilya, ang tinanghal na Grand Champion. Deserve na deserve niyo talaga ang karangalang tawagin Showtime Champion. Pinaapoy niyo ang telebisyon namin!
Congrats din sa AKA Jam and Kapamilya. Ang galing niyo rin. More power.
At syempre maraming maraming Congratulations sa Duncan and Gem Ramos and Kapamilya. WOW ang pinakita niyo. Para sa aking kayo talaga ang Champion sa Talent. Ang galing ni Gem sumayaw at umawit, ikaw na talaga ang Beyonce ng Pilipinas. Pero syempre ginagalang ko rin ang desisyon ng mga hurado, Pero sana magproyekto kayo lalo kana Gem Ramos. Sana makita na rin kitang nagpeperform sa ASAP.
More Power sa Showtime. Maraming tawa ang inyong hatid sa bawat tahanan. Kaya deserve na deserve niyong tawagin number 1.








