Ayan tayo eh. Sinabihan ka lang ng i miss you, sinagot mo din ng i miss you too. Konting landi lang sayo, bigay kna agad. Ang masaklap pa, isang sorry lang niya samahan pa ng konting paliwanag, ABA pinatawad mo na agad. Partida! Ilang months kang hindi kinibo niyan ah. Parang siopao brad, Yung tipong binobola bola kna, asadong asado ka pa. Shit man! Ano ba to. Pag pinatawad mo kasi agad, parang binigyan mo na ulit siya ng karapatan para saktan ka. Paulit ulit na saktan ka. Gagawing tanga. Paniwalang paniwala ka naman. Wala eh. Hindi mo mahindian. Gawin daw bang career ang pagiging tanga. Hahaha. Leche. Ayan tayo eh.







