Panaginip
Kanina lang nagising ako na may ngiti sa mukha ngunit kasabay noon ay may kahalong pakiramdam ng kaunting pagkainis. Sa totoo lang gusto ko talaga kapag naaalala ko ang aking mga panaginip. Noon nga ay isinusulat ko pa talaga ang panaginip ko at saka ko hinahanap at ina-analyze kung anong maaaring ibig sabihin ng mga simbolo na nakita ko. O di kaya naman inaalam ko kung ano ang mga posibleng dahilan kung bakit ko nakita iyon sa panaginip ko. Mabalik sa panaginip ko kanina, may hinahanap akong tao at ang nakatatawa lamang ay sa realidad ni hindi ko na inaasahan pa naman na mahanap o makita siya. Nakita ko na naman ang sarili ko na sinusubukang hanapin ulit ang taong iyon. Masaya na siguro sana kung nalaman ko ang ending, malas lang dahil maaaring wala na o hindi ko na lamang maalala pa ang kasunod. Paasang panaginip.
-Grey, 11Dec’15














