Reflecting Christ in our Character
"And hope does not put us to shame, because God’s love has been poured out into our hearts through the Holy Spirit, who has been given to us." - Romans 5:5
"We must fall upon the Rock and be broken before we can be uplifted in Christ. Self must be dethroned, pride must be humbled, if we would know the glory of the spiritual kingdom..." - Homeward Bound 63.2
Inside Story
There is a glass of warm water na inilapag ni Seth sa mesa dahil sa uhaw, pero bago sya uminom ay pumunta muna siya sa labas upang tignan lahat ng natapos niyang gawain. Habang nasa labas si Seth, biglang dumating si Tomer na kaniyang tauhan at naghahanap ng isang baso na paglalagyan ng binili niyang kape. Nung makita niya yung baso na iniwanan ni Seth sa lamesa, kinuha niya ito at tinimplahan ng kapeng binili nya kahit alam niyang kalalapag lang ni Seth doon.
Natapos si Tomer sa pag-eenjoy sa kape at inilapag ito sa lababo na may kaunting natira o latak, at noong mga oras na umalis si Tomer ay sya namang pagbalik ni Seth para inumin ang tubig pero nakita niya itong nakalapag sa lababo at may nakatimplang kape. Dahil sa uhaw at pagpili na maging matyaga para lang makainom sa paborito niyang baso, itinapon niya yung natitirang kape, hinugasan ito at nilagyan nya ulit ng mainit na tubig, naghintay ng sandali at siya'y uminom.
Reflection
All of us are looking for a change, whether it is referring to our character, lifestyle, economical living and the system where all of us are involved to. And in order for us to attain the wanted change, we need to be restored with the fulfillment of God's presence through the help of the Holy Spirit.
Let us be reminded and put ourselves in the story; tayo yung baso. And nagsimula tayong mabuhay dahil binigyan tayo ng Diyos ng tubig na sumisimbolo sa buhay. At hindi lang basta buhay yung ibinigay ng Diyos, yung buhay na ipinagkaloob sa atin ay mayt kaakibat na init ng pananampalataya. (Kaya ang sinisimbolohan ng mainit na tubig ay buhay at pananampalataya)
May mga chances na hindi natin nararamdaman yung presensya ng Panginoon pero hindi natin alam mayroon siyang ihinahanda para sa bawat isa sa atin. Kaya lang, habang hindi natin ramdam yung presensya nya hindi natin nalalaman na dinudungisan na pala ng kaaway yung kalinisan na ipinagkaloob sa atin. Nagkakaroon tayo ng masasamang kaisipan, tumataas yung mga ego and pride, nagiging iba yung likas dahil nagiging masama yung pamumuhay lalo na sa pag uugali. Yung mainit na tubig na dapat transparent lang, yung original na likas natin sa pagiging malinis nahahaluan na ng kape na sumisira din sa ating kapayapaan at kapahingahan. Ineenjoy na pala tayo ng kaaway pero hindi pa natin napapansin, itinatanim na pala nya sa bawat isip na mas magfocus tayo sa mga sarili natin.
And then, sa huli yung maruming tubig na may ibang lasa nauubos na. Nauubos yung ating lakas, yung ating talinong tinataglay ng likas, yung lahat ng mga tinamasa natin mula sa pagiging masama at madungis ay nauubos na. Maging pag-asa natin sa buhay ay nawawala at parang gusto na lang natin na maglaho na parang bula. Makikita tayo ng Diyos na puro latak ng kasamaan ng kaaway ang ating tinataglay. Gusto man nating mabago yung ating mga sarili pero hindi natin kailanman magagawa dahil nakalapag lang tayo sa lababo't walang kakayanan. Dahil sa kabutihan ng Diyos at sa pamamagitan ng wagas niyang pag-ibig, inabot niya tayo, itinapon yung madungis na nilalaman ng ating nakaraan, nililinis at hinuhugasan tayo and finally nilagyang muli ng tubig na mainit upang Siya'y makaramdam ng galak dahil ikaw at ako ang kaniyang "masperpiece", at tuwang tuwa siya kapag nakikita ang Kaniyang anak na fulfilled sa lahat ng kabutihan na naipagkaloob galing sa kaniya.
John 4 : 13-14 Says,
13 Jesus answered, “Everyone who drinks this water will be thirsty again,
14 but whoever drinks the water I give them will never thirst. Indeed, the water I give them will become in them a spring of water welling up to eternal life.”
God, our Almighty creator and the Author of our lives, had never wanted us to thirst or be lacking of anything. GS!











