Wrath and Anger (Part 2)
So we must admit, lahat naman tayo nagagalit. And alam mo ba kung anong nagiging bunga ng galit, at bakit pinaiiwas sa atin ng ating mahal na Panginoon yung ugali ng pagiging magagalitin? Basahin natin:
...
Mga Awit 37:8 Maglikat ka ng pagkagalit, at bayaan mo ang poot: huwag kang mabalisa, iya'y maghahatid lamang sa paggawa ng kasamaan.
Mga Kawikaan 14:29
Siyang makupad sa pagkagalit ay may dakilang paguunawa: nguni't siyang madaling magalit ay nagbubunyi ng kamangmangan.
Santiago 1:20 Sapagka't ang galit ng tao ay hindi gumagawa ng katuwiran ng Dios.
Mateo 5:22
... Ang bawa't mapoot sa kaniyang kapatid ay mapapasa panganib sa kahatulan; at ang sinomang magsabi sa kaniyang kapatid, Raca, ay mapapasa panganib sa Sanedrin; at ang sinomang magsabi, Ulol ka, ay mapapasa panganib sa impierno ng apoy.
Mga Kawikaan 22:24-25
Huwag kang makipagkaibigan sa taong magagalitin; at sa mainiting tao ay huwag kang sasama: Baka ka matuto ng kaniyang mga lakad, at magtamo ng silo sa iyong kaluluwa.
...
Wala talagang magandang naidudulot ang galit sa isang tao dahil in the first place hindi naman tayo nilikha ng Diyos para sa pagkagalit. Nilikha tayo ng Diyos para sa pag-ibig kaya dapat maging maibigin din tayo sa ating kapwa.
Recently, I received a chat from my atheist friend and here's what he just said;
"Why are most of the Christians, kapag nadidisappoint or nagagalit even nasasaktan; ang hirap makitaan ng pag-uugaling Kristiyano?", "Alam niyong kasalanan yung magalit pero bakit hindi makita sa inyo yung pag-ibig ng Diyos nyo", "I think Christianity is that what makes people very arrogant. Most of you christians were just using the law to judge people."
See? We are claiming to be the truth seekers, and now that we found the truth sobrang hirap din naman makita sa atin yung mga katotohanan na 'yun. I remember the days where I can imagine Jesus being offended by those people around him; instead of letting anger rule his heart, he cried and prayed for those. He simply showed sympathy and mercy instead of wrath. He represented the exact opposite of what people think about God kase they're thinking na mabagsik masyado yung Ama based na din sa history nila sa old testament na palaging niloloob na durugin sila ng lahat ng bansang nakapalibot sa kanila in each time na sumusuway sila sa Panginoon. Jesus lived to turn our minds and heal our hearts for He is the exact truth and Love.
Kaya brothers and Sisters in Christ, if we are aiming to be the exact evidence of God's love and mercy in this world; we must put away our ego, our pride, our negative thoughts and judgements against them. We must show grace and mercy instead. Dapat nating paglabanan at dapat din natin ipaglaban, for we are the representative of Christ, and therefore we must be the genuine doers of the truth who are walking through the life..
Ephesians 4:26
Be angry and do not sin; do not let the sun go down on your anger.
Hindi iyan isinulat ni Pablo para kunsintihin tayo, isinulat niya iyan to show understanding na mahirap talagang iwasan ang galit. But Proverbs 19:19 warns us taht we should be avoiding such as much as we can.
Godspeed!













