Luwa na Mata mo kakaGod of War
Ang RPG o Role Playing Game ang isa sa mga sikat at kinakaadikang mga laro ngayon ng mga tao. Ang God of War ay isang halimbawa ng Role Playing Game. Ang God of War ay ang natanghal na best PlasyStation 2 game at nanalo ng "Game of the Year" sa Academy of Interactive Arts & Sciences.
Ang God of War ay merong ibat ibang series kung kayat nakakaaddict itong laruin. Ang God of War ay more on fight scenes o bloody combat at puzzle solving. Ang bida sa game na to ay si Kratos na anak ni Zeus. Ang God of War ay istorya patungkol sa mga greek gods and godesses.
Ang larong ito ay hindi madali para sa mga ordinaryong players dahil sa maraming kontrols na kailangang gamitin. Ang graphics nito ay maganda at nangangailangan din ng mataas na specs ng computer. Sa gameplay ng God of War ito ay adventure type ng laro kaya sa bawat stages o mission na natatapos pahirap ng pahirap ang game at ung mga monster, boss ay nagiiba at mas nagiging mahirap. Sa bawat stages tumataas ung healt bar, magic bar at nakakakuha ka din ng mga ibat ibang skills at weapons na mas lalong nakapagbibigay ng interest at challenge sa mga manlalaro. May levels of difficulties din ito, easy(hero),medium(spartan) at hard(god).
Nung simulang laruin ito ni Alven Jade Aldiano medyo sa umpisa nahirapan sya dahil nga sa daming kontrols pero habang tumatagal na gagamay na nya ung game. Sa umpisa may tutorial na man kaya ndi naman sya masyadong nahirapan na laruin ung game. Nung simulan nyang laruin ung game halos ayaw nya ng tumayo sa upuan dahil naadik na hahaha gustong tapusin ng isang araw ang game. Nagsisigaw pa habang naglalaro at nagwawala dahil nga sa intensity nung game. At ang isa pa sa tinging kong dahilan kung bakit sya naging interesado sa laro ay dahil sa istorya ng game na may kapupulutan din ng aral halimbawa na lang sa history ng bawat greek gods.
Ayon sa experience ng ni Alven at experience ko ang game na to ay maganda talga at karapatdapat na tawaging Game of the Year.!









