Fireworks
Handa na ang lahat para sa pagsalubong ng bagong taon, umulan man madami pa ydin ang mga nag ilaw ng mga lusis at nagpaputok ng mga kwitis, namuo ng magagandang ilaw sa himpapawid na hudyat na nakaikot nanaman ang Mundo ng isang taon.
ang larawang nasa itaas ay Hinanda na din ng Lucerians na sponsor ng pamilya Alojado, (residente ng Lucero). Ngayong bagong taon late na napaputok ang tinatawag na “sawa” o “sinturon ni Hudas” dahil nung 12 am ng Jan. 1 ay basa lahat kalsada dahil sa hindi pagtigil na ambon. Kaya kinagabihan nalang ng Jan.1 sinindihan. lahat ay masaya na nanood at nagantay na matapos ang mahabang sawang paputok. inabot ito ng mahigit kinse minutos. Happy New Year!!










