Kayo paano niyo cinelebrate ang Bagong taon niyo? kwento mo naman para malaman namin. :)

❣ Chile in a Photography ❣
we're not kids anymore.

Origami Around
NASA

Janaina Medeiros
wallacepolsom

No title available
Keni

★

PR's Tumblrdome
RMH
d e v o n
noise dept.
Lint Roller? I Barely Know Her

titsay

shark vs the universe

pixel skylines
occasionally subtle

ellievsbear

No title available

seen from Russia

seen from United Kingdom
seen from United States
seen from Belarus
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from Mexico
seen from United States

seen from Saudi Arabia
seen from Mexico

seen from Mexico

seen from Mexico

seen from United States

seen from United States

seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from Italy
@dlcny
Kayo paano niyo cinelebrate ang Bagong taon niyo? kwento mo naman para malaman namin. :)
Pinakiintay
Isa sa pinakaiintay ng lahat ay ang program sa gabi ng Jan. 1
pagsapit ng alas siyete ng gabi lahat ay pumupunta na sa kanto upang manood ng ilang hinandang programa ng Lucerian club, gaya ng ilang palaro, mga sayawan, mga contest gaya ng “your face sounds familiar” at “feeling pogi”. May mga nag perform din gaya ng acrobat (Cabuyao Acrobatics). Masayang masaya ang lahat at enjoy na enjoy sa pag diriwang at sa panonood. at ito na ang katapusan ng programa o ng piesta ng Lucero. :) Happy New year! God bless
Hindi papahuli ang mga Majorette
sympre hindi din makukumpleto ang piesta ng Lucero kung hindi makikilahok sa kasiyahan ang mga imbitadong Majorette mula sa Sto. Niño Marching Band.
Mr. Jason Cruz
Presidente ng D’ Lucerian Club
Prosisyon
Pagkatapos ng mga aktibidades na hinanda ng Lucerian club, pagsapit ng hapon bandang alas-singko ng hapon, mag proprosisyon na, kasama ang mga may katungkulan sa Lucerian club, ilang residente at ang sto. Niño marching band.
Mga punong abala para pista ng Lucero
Ilan sa mga committees ng D’ Lucerian Club
ang mga ate at kuyang busy sa paghahanda sa pista ng Lucero na isa namang successful na araw para sa lahat lalo na sa mga taga Lucero.
OOTD
Ilang mga bata mula sa Lucero na pumorma para sa piesta at bagong taon.
HIndi naman papahuli at papatalbog ang ilang chikitings ng Lucero para sa kanilang OOTD ngayong bagong taon.
Larong para sa lahat!
isa na dito ang wego, kung saan kelangan mong makakuha ng mga tali o ribbon sa pamamagitan ng paglusot ng stick sa maliit na ring ng nakasakay sa bike.
Isa lamang ito sa mga naging palaro ng lucerian club na handog para sa lahat. Ang bawat laro ay may mga kalakip na Premyo o regalo mula sa pamunuan ng Lucerian Club. Maraming masasayang laro na tyak ikatutuwa ng lahat. mapabata man o matanda. Lahat ay handa at masaya sa mga kaganapan, at lahat ay aktibong sumasali. ilan sa mga laro ay ang wego, pasagang palayok, agawang buko, palusebo, sisirin mo ang piso at iba pang parlor games. Maganda pagmasdan ang isang lugar na lahat ay nagkakaisa at masaya na pinagdiriwang ang bagong taon.
Mabubusog ka.
kainan mula sa bahay ng mag asawang sina Mr. Herman & Mrs. Criselda Paco
May ilang kabahayan sa Lucero na naghanda ng mga pagkain na pagsasaluhan ng mga kapamilya, Kapitbahay at Kaibigan. Isa na dito ang Bahay ng Mag asawang nabanggit. Naghanda sila sa pagbisita ng ilang kaanak at para na din sa pista ng Lucero. May ilan ding kabahayan na naghanda ng mga pagkain na pwedeng pag saluhan ng mga residente ng Lucero.
Diyos muna bago ang lahat.
sa pag pasok ng Bagong taon, dapat una nating isipin kung gaano kabuti ang Diyos sa atin sa nagdaang 2015, at para sa 2016. Mas magandang unahin ang Diyos para maraming pagpapala.
Pagkadaan sa umaga ng mga musikero, susundan ito ng isang misang katoliko. Ilang residente rin ang napunta upang makinig ng misa.
Ang mga santo na nilagay sa altar ay mula sa ilang residente ng Lucero.
Gising Na Kabayan!
Dinaig pa ng Musikang handog ng Sto. Niño Marching Band ang alarm clock mo sa umaga.
Tuwing Jan. 1 ng umaga, ito na ang naging pampagsing sa mga residente ng Lucero, hudyat na mag uumpisa na ang mga aktibidades na hinanda ng mga kawani ng Lucerian club. Handa na ang lahat para sa masagang araw.
Fireworks
Handa na ang lahat para sa pagsalubong ng bagong taon, umulan man madami pa ydin ang mga nag ilaw ng mga lusis at nagpaputok ng mga kwitis, namuo ng magagandang ilaw sa himpapawid na hudyat na nakaikot nanaman ang Mundo ng isang taon.
ang larawang nasa itaas ay Hinanda na din ng Lucerians na sponsor ng pamilya Alojado, (residente ng Lucero). Ngayong bagong taon late na napaputok ang tinatawag na “sawa” o “sinturon ni Hudas” dahil nung 12 am ng Jan. 1 ay basa lahat kalsada dahil sa hindi pagtigil na ambon. Kaya kinagabihan nalang ng Jan.1 sinindihan. lahat ay masaya na nanood at nagantay na matapos ang mahabang sawang paputok. inabot ito ng mahigit kinse minutos. Happy New Year!!
HULING GABI NG 2015
Dec. 31 2015
bandang 7-8pm, Mayroong hinandang regalo ang mga namamahala sa D’Lucerian Club para sa mga bulilits/chikitings/feeling bata.. Masaya ang lahat lalo na’t may “Instant Celebrity” na bumisita, mula sa North Pole. Talo pa ang AlDub sa kasikatan niya sa Lucero Street ng brgy. Kanluran Santa Rosa. si Santa Claus na pinagpangapan ni Tin Briones isang residente sa Lucero St. sabayan pa ng masasayang tugtugin mula sa mosiko na nagbibigay ingay at ilang paputok. Handa na ang lahat sa pag salubong ng Bagong Taon.