GAMIT NA GAMIT ANG HENYO NI KIM CHIU! Charot! Mula sa Department of Transportation - Philippines: Kung sa classroom may batas, mayroon din sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ)! Sa mga lugar na nasa ilalim ng MECQ, hindi pinapayagan ang publikong transportasyon, at mananatiling limitado ang ilang serbisyong pantransportasyon. Ang kautusan din ng IATF sa mga employers ay mag provide ng shuttle service sa kanilang mga workforce na papasukin. Kapag hindi kaya mag provide ng sariling transport ang mga kumpanya, sila ay pinapayuhan na huwag na muna magbukas. Dagdag pa rito, hindi pa rin pinapayagan ang domestic flights. Ang inbound international flights naman ay mananatiling limitado para sa mga pauwing Pilipino at kanilang pamilya. Hindi pa rin pinapayagan ang magkakaroon ng inter-island na pagbibiyahe. Hinihikayat din ang pagbibisikleta at non-motorized na transportasyon. Kapag nag-comply ka sa mga ito na kabilang sa batas na ipinapairal ngayon, ginawa mo ang mga importanteng measures ngayong panahon ng #NewNormal, at tuluyan nang ma-flatten ang curve, Aba! Pwede kana ulit lumabas! 😉 #DOTrPH🇵🇭 #GoodVibesFriday (at Marco Polo Residences - Cebu) https://www.instagram.com/p/CAM1iYngW3j/?igshid=1qo8ta6md0gwd














