Ang araw na ito ay isang araw ng tagumpay, kasiyahan, ay para sa ilan sa atin, kalungkutan. Sinisimbolo ng araw na ito ang apat na taon natin dito; apat na taon ng paghihirap, pagsisikap, pagdusa, pauluha, pagtawa, at pagsasama-sama natin dito sa Ateneo High School. Apat na taon king kailan hinubog tayo ng ating mga guro, magulang, at mga kaibigan para sa aring hinaharap; para sa magiging buhay natin.
Lahat tayo, pantay-pantay ngayong araw na ito. Tayong lahat, aking pinakamamahal na mga kamag-aral, ay nakapag tapos ng ating huling taon dito bilang estudyante ng Ateneo High School, kasapi sa Graduating Batch 2w011. Nagtagumpay tayong lahat sa pag-abot natin dito.
Naaalala ko ang mga gabi noong unang taon sa AHS. Naghihirapan na sa pagsagot ng mga takdang-aralin, at pag-aaral para sa mga pagsusulit kahit unang taon pa lamang. Noon pa lang ay alam ko na na ipagbubuti ko ang aking mga aralin, na sisikapan ko ito, para masigurado na makakapagtapos ako sa paaralang ito.
Naaalala ko ang unang taon, ikalawang taon, at ikatlong taon natin dito. Simula noong unang araw ng unang taon hanggang ngayon, ang huling araw natin dito, lahat ng mga pangyayari, mga kasiyahan, kalungkutan, kasawian, at tagumpay natin ay humubog sa kung sino tayo ngayon. Ang bawat isa sa atin ay tumulong humubog sa isa't isa, tumulong humubog ng taong handang ipakita at ipagmalaki sa mundo.
Maraming salamat at, ulit, isang maganda at matagumpay na araw sa inyong lahat.
-Lorenzo Miguel Soriano (Group3B)