Ang nanganganinag na kinabukasan
Magandang araw po sa inyong lahat! Mga magulang, mga kaklase, mga kaibigan at mga gradwado. Ako nga pala si Mikhail Javier, isang regular na estudyante na nakatapos sa Mataas na Paaralan ng Ateneo de Manila. Nandito po lahat tayo para sa isang engrandeng selebrasyon: Pagatapos ng pulutong 2011 sa mataas na paaralan. At para sa mga sumusunod na inuto, ay ihahandog ko sa inyo ang aking talumpati (na nagawa ko lang imang minutong nakalipas lamang) tungkol sa tema ng ating pagtitipon. Sana po lahat kayo'y nakainom na ng kape.
Unang-una sa lahat...Mabuhay ang klase ng G 2011!!
Marami akong natutunan po rito sa Ateneo, mula sa mga iba't ibang uri ng sining at ahensiya na itinuturo ng mga guro sa paaralan. At hindi lamang ako natututo sa loob ng silid-aralan, kundi na rin sa labas nito. At ang pinakamahalagang leksyon na aking naidiskubre mula sa aking mga guro at aking sarili, ay ang kahalagahan ng diskarte. Diskarte, mula sa aking sariling isip, ay ang kakayahang gumawa ng kung ano ang tama at kinakailangan. Kailangan ito para sa maraming aspeto ng tao, hindi lang sa mga magiting na bagay katulad ng maayos na paggamit ng sariling pondo, kundi na rin sa mga mababaw na gawain, katulad na sa pag"cram" ng mga gawain, paglikha ng mga isip para sa paglulusot ng ano-anong pagkabahala. Dahil ang diskarte, mabuti man o masama, ang nagsisigurado na ang isang tao ay may mararating sa buhay. Sa aking pananaw, lahat ng taoay may likas na diskarte. Ngunit, hindi marunong ang lahat ng tao kung paano talaga itong gamitin ng maayos at mabuti. At diyan pumapasok ang mataas na paaralan.
Kung tutuusin ang pangunahing layunin ng paaralan ay hindi magkaroon ng mas maraming kampeonato kaysa sa De La Salle, o upang mailagay ang isa sa kanila sa upuan ng gobyerno bilang presidente. Ang totoong layunin ng paaralan nito, ay turuan tayo gumamit ng ating mga likas na diskarte para sa mabuti. Para lahat ng mga makatapos rito, ay madiskarte't mabuti, marunong umasenso at ilapat ang sarili para kay Kristo, at para sa bayan.
Kapag ikaw ay may kayang itanong ang iyong sarili, na nagagamit mo ang iyong diskarte, isip at likha para sa mabuti at hindi lamang para saiyong sarili, at masagot mo ng buong kumpyansa na "Oo", ay doon ka lang maaring mabigyang-katuturan bilang isang tunay na Atenista. Wala iyan sa pinakamatalino, sa pinakagayot o sa pinakapopular, dahil madalas ang mga ito naman lumalabas ay hindi tunay na mga Atenista, kundi mga nakatapos sa Ateneo lamang.
Kung naisagot mo ang tanong ko at puro kumpyansa mong sinagot ng "oo", ay bigyan mo ang iyong sarili ng ngiti dahil ikaw ay Atenista, at ang dugo mo'y kasinbughaw ng langit, na nangangako ng isang nanganganinag na kinabukasan. Kung hindi mo naman ito naisagot, o sa iyong sarili ay ikaw mismo ay nagdududa sa iyong sagot, ok lang iyan. Nakatapos ka naman ng Ateneo.
Sana po ay gising pa kayong lahat, at maraming salamat po.