seen from China
seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from Singapore
seen from United States
seen from United States
seen from Saudi Arabia

seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from China
seen from Canada

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from Malaysia
seen from United States

seen from Germany
Huwag mo isulat ang aking kuwento.
Magtatapos yan depende sa lalakbayin kong dako.
.-.
bakit ba pinagtatagpo and dalawang tao? dahil ba may kailangan kang matutunan sakanya? or may kailangan syang ituro sayo? magtatagal ba sya? o gaya rin ng iba unti unting mawawala? Bakit pakiramdam ko may importante kang magigingbpapel sa buhay ko? o pakiramdam lang to? Pati ibang tao parang nagiging instrumento para makilalala ang isa’t isa. Mejo malabo. pero gaya ng lagi kong sinasabi. Magkakarin din ng sense lahat ng ‘to
parang tao db? hood lang daw🤔 #kathangisip #guniguni #ledlighteffect
yung hindi mo matunton kung ano ang pinaghuhugutan mo.... #LSS #LittleMix #SecretLoveSong #guniguni #hugot
Ay, pusher
Lagi mong sinasabi na tinutulak kita palayo.
Tanong: Pwede ba kitang itulak palapit?
Hindi ba?
Mary Jane, hindi kita kilala
Nakita ko ang pangalan mo sa pahayagang pinambalot ng tinapa at tuyo,
Pagkaing hindi man lang nalasap ng iyong pamilya,
Kaya pinilit mong makipagsapalaran sa ibang lugar.
Sinagupa mo ang alon ng kalungkutan,
Milya pa ang layo mo bago mo matunton ang inakala mong ginhawa ng buhay mo,
Patuloy ka pa ring sumasagwan sa dagat ng peligro,
Tangan mo ang larawan ng pamilya mo,
At tumulo ang iyong luha na kasing alat ng dagat,
Mabilis mong sinasagwan ang bangka mong simbolo ng pag-asa,
Lalaban, susugod at aabutin ang pangarap,
Ngunit ikaw ay inanod, inagos at halos hindi na matanaw,
Matatanto sa iyong mga mata ang pighating iyong nadarama,
Busilak mong pusok ay patuloy nang nalulunod,
Dinig mo ba ang hagulgol ng iyong mga anak?
Ang simpatiya ng iyong bayan?
Hindi kita kilala, Mary Jane,
Ngunit ang laot ay gagawin naming tawirin,
Kahit sa munting boses ko ay malayong mangyari,
Ikaw lamang ay aming ibabalik sa lupa mong kinagisnan.
Ano pang mas sasakit na kaharapin ang kamatayan?
Hinatulan ka nang walang sapat na basehan,
Papatayin ka nang walang alinlangan,
Higit na mas mahalaga ang batas kaysa buhay,
Mary Jane, hindi pa huli ang lahat,
Patuloy ka pa ring sumasagwan sa daluyong ng buhay,
Sa laot ng kapahamakan,
Sana hindi ka mahirapan na salubungin ang daluyong ng buhay,
At mapawi ang kalungkutang nadarama.
Ang iyong bangka na patuloy na binabagtas ang laot,
Nawa'y dalhin ka sa pampang ng inaasam na laya,
Doon sa pampang kung saan hinihintay ka na ng iyong pamilya.
Pighati ni Nena
“Happy Mothers’ Day!”: Iyan ang madalas kong marinig sa araw na ito.
Maganda ang salubong ni Haring Araw. Masaya ang lahat. Tila walang problema. Ang lahat ay may dala-dalang rosas at keyk na mukhang ibibigay sa kanilang mga nanay. Kay sarap sigurong mahagkan at mayakap ka ng iyong anak. Wala nang tutumbas sa hirap at sakripisyong inialay mo sa kanya.
Ngunit ako, sa edad kong katorse, mukhang hindi ko na yata ‘yan mararanasan matapos kong ipalaglag si Niño.
Oo. Ipinalaglag ko siya.
Siyam na buwan na ang nakalipas. Kapiling ko na sana si Niño. Hindi lamang lungkot at pighati ang nangingibabaw sa akin kundi kasalanan - na wala nang hihigit pa. Masyado akong naging makasarili. Masyado akong padalus-dalos.
Duguan na ang matris ko at gasgas na. Wala na akong pag-asang magluwal pa.
At ngayong Araw ng mga Ina, lubha akong nagsisi. Kalong ko dapat siya sa aking bisig at nasa aking piling.
At ngayon, ako’y napadpad sa kadiliman, na inakala kong ako ay nag-iisa. Paulit-ulit kong naririnig mula sa kanya...
“Magdusa ka, Inay!”