More than a year ago I was brokenhearted. Alam mo yung pakiramdam na feeling mo wala ka ng kapasidad pa na magmahal ulit, dahil sa sobrang sakit na nararamdaman mo at sa sobrang pagmamahal mo dun sa taong iniwanan ka? Naramdaman ko yun. Nakakatakot. Masakit. Mapait. Malungkot. Sobrang masakit. Sobrang mapait. Sobrang malungkot. Basta masakit sa dibdib. Dyan ko pa lang nadama yung kahungkagan ng nararamdaman ko, iniwan ako eh nawala yung taong mahal na mahal mo. Hindi ko maipaliwanag yung sakit na naramdaman ko ng mga panahon na yan. Matagal ako bago naka-recover. Natagalan ang pag move-on ko at tanggapin ang mapait na katotohanan. Nabulag ako sa pag-asang babalik pa sya saken. Napakahirap umasa walang kasiguraduhan at walang kang pinanghahawakan maliban sa pangako nya saken...yun ay nung mahal nya pa ako. Saklap.
Ang haba na pala neto. Pero isa lang ang gusto kong iparating, pagkatapos ng mahabang mahigit isang taon kong pagkatakot na baka hindi na ako makapagmahal ulit heto ako ngayon nakakaramdam ng isang estrangherong pakiramdam ulit.. Ewan ko ba. Handa na kong magmahal. Oo, handa na akong magmahal ulit. Hindi ko minadali ang sarili ko sa nararamdaman kong ito sa ngayon. God answered my prayers. May ganito pala talagang mararamdaman pagkatapos ng isang masalimuot na pagkabigo sa pag-ibig. Hindi naman talaga kailangang magmadali eh. It really takes time. Ipokrita ako kung sasabihin kong hindi ko na mahal yung ex ko. Mahal ko pa rin sya pero hindi na kagaya ng dati. Sabi nga sa kanta: "I don't love you like I loved you yesterday". Darating din yung tao na mamahalin mo ulit at magmamahal sayo. Sa simula hindi mo pa sya ganun kamahal pero kung napapasaya ka nya at pinahahalagahan malay mo di ba.
So J, thank you sa pagtya-tiyaga. :)