Propeta Muhammad -saw- Habag ng sangkatauhan
Sa panahon ng Propeta Muhammad –nawa'y ang pagpapala at kapayapaan ay mapasa kanya- ay may isang Bedouin na Arabo na humila sa damit ng Propeta Muhammad sa kanyang likuran ng napakalakas hanggang sa magkaroon ng marka ang leeg ng Propeta Muhammad, at nagsalita ng mga salitang masama na hindi karapat-dapat sa katayuan ng isang Propeta at kanyang sinabi: bigyan mo ako ng pera ng Allah na mula sa iyo, at walang naging reaksyon ang Propeta liban lamang sa pag-ngiti at habag sa kanyang mukha at kanyang binigyan ito ng pera.
Tunay na si Propeta Muhammad ay isang habag sa sangkatauhan: (( At hindi ka Namin ipinadala, O Muhammad, kundi bilang Habag sa sangkatauhan )) [Qur'an 21:107]










