Dati gustong gusto ko yung fairytale. Yung mga may Happily ever after sa dulo. Yun bang makakahanap ka rin ng prince charming mo, yung magliligtas sa'yo at magp'protekta at yung magiging masaya yung buhay mo o nyo. Pero ngayon, naisip ko na kasinungalingan naman pala ang fairytale. Tinuturuan niya tayong umasa sa mga bagay na masyadong malayo sa realidad ngayon. Binibigyan lang nila yung mga tao ng false hopes kesa mamuhay sa totoong buhay.









