Haligi
Isang araw sa bayan ng Linya Grande may mag amang naninirihan sa isang bahay. Si Benz ay isang scientist na ginugugol ang kanyang oras sa pagtatrabaho sa laboratoryo na nasa kanilang bahay dahil sa kanyang ginagawang proyekto na mag sasampung taon na mula ng sinimulan niya ito. Dahil dito ay tila wala na siyang oras para sa kanyang pamilya kaya hiniwalayan siya ng kanyang asawa na si Huayra. Ang kanilang anak ay nasa pangangalaga ng kanyang ama sa loob ng dalawang lingo sa bawat isang buwan at sa susunod na dalawang lingo naman ay nasa kanyang ina. Ang kanilang anak ay nagngangalang Ferrucio, ipinanganak itong walang isang kamay. Siya ay siyam na taong gulang.
Habang naglalaro si Ferrucio ay naisipan niyang pumasok sa laboratoryo. Dahil gusto niya ring malaman kung ano ang ginagawa ng kanyang tatay kahit pinagbawalan siyang pumaskok rito. Ngunit hindi niya namalayan ay nandon pala si Benz at nakita siya nito. Siya ay pinaalis natila pagalit na sinabi dahil siguro nadala siya ng kanyang pagud at di napigilan ang emosyon. Kaya papaiyak na lumabas si Ferrucio at nagsimulang magtanim ng galit sa kanyang ama at tinatanong ang sarili kung mahal kaya siya ng kanyang ama o mas mahal nito ang kanyang ginagawa.
Tinawagan ni Ferrucio ang kanyang ina. Humihiling kung pwede na ba siyang pumunta sa kanya kahit hindi pa nangangalahati sa dalawang lingo ang kanyang pananatili sa bahay ng kanyang ama. Tinanong ng kanyang ina kung bakit ngunit hindi ito sumagot. Agad sinundo si Ferrucio ng kanyang ina. Kakausapin sana ng kanyang ina si Benz ngunit pinigilan ito ni Ferrucio kaya umalis nalang sila.
Hinanap ni Benz si Ferrucio ngunit hindi niya ito makita kaya labis ang kanyang pangamba at hindi siya mapakali. Tinawagan niya ang ina ni Ferrucio at agad itong nag sabi ng wag kang magalala na sa akin si Ferrucio at ligtas siya. Tila na tanggalan ng tinik ang dibdib ni Benz sa kanyang narinig. Gusto na niyang pabalikin si Ferrucio upang makahingi siya ng tawad ngunit tumanggi ang bata.
Sa ilang araw na lumipas ay pinilit niyang tapusin ang kanyang proyekto pati ang gabi ay ginawa narin niyang araw. At sa mga araw na ring yun ay lumubha ang kanyang tinatagong sakit sa puso. Ang kanyang sakit ay ang siyang dahilan kung bakit ginugugol niya ang lahat ng kanyang oras sa pag gawa ng proyekto dahil alam niyang nalalabi nalang ang mga oras niya sa mundo. Sa araw na ipinanganak si Ferrucio ay doon rin niya nalaman na may sakit siya sa puso. Habang inooperahan si Huayra para lumabas na ang bata na nasa kanyang sinapupunan sa sobra niyang kaba at saya nang makita ang bata ay nawalan siya ng malay at tinulungan siya ng ibang doktor. Sa kanyang paggising ay sinabi sa kanya ang kanyang sakit. Kaya kinausap niya ang doktor na gawin itong lihim at huwag sabihin sa kanyang pamilya.
Nagsulat nang liham si Benz para sa kanyang nag-iisang anak. Ang sulat na iyon ay isang birthday letter para sa nalalapit na ika sampung kaarawan ng kanyang anak at doon nakalagay ang patungkol sa kanyang regalong ibibigay. Habang siya ay nagsusulat ay biglang nanikip ang kanyang dibdib. Ngunit hanggang sa kanyang huling hininga ay iniisip parin niya ang kanyang pinaka mamahal na anak.
Sinubukan pang dalhin sa ospital si Benz ngunit huli na ang lahat. Nabalitaan ni Ferrucio at ng kanyang ina ang nangyari. Pagkatapos ng libing ay pumunta si Ferrucio sa laboratoryo at yun palang ang unang pagkakataon na makikita niya ang bagay na ginagawa ng kanyang ama na naging dahilan ng kanyang galit at ang paghihiwalay ng kanyang ina. Nais niya itong makita at sirain. Ngunit sa kanyang pagpasok ay kanyang nakita ang isang kamay. Siya ay natakot at tinawag ang kanyang ina.
Pagpasok ng kanyang ina ay na gulat rin ito. Ngunit maliban sa kamay ay nakita rin nila ang sulat. Tumulo ang luha sa kanilang mga mata dahil sa sulat na kanilang binasa. Tila ito ay nagbigay na kaliwanagan at sakit sa kanilang puso at isipan. Na ang bagay pala na ginagawa ni Benz sa loob nang sampung taon ay isang robotic prosthetic hand para sa kanyang anak. At ayaw niya itong sabihin dahil gusto niya itong gawing regalo at sorpresa sa kaarawan ng kanyang anak pero ang masmabigat na dahilan ay baka hindi niya ito matapos dahil sa kanyang sakit. Ayaw niyang sabihin baka umasa lang si Ferrucio at masaktan. Ayaw niya ring dagdagan ang pasanin nang kanyang asawa dahil lang sa kanyang sakit kaya ininda niya ito nang mag-isa.
Ang pinaka mabigat na disisyon na ginawa niya sa buong buhay niya, yun ay ang panahun na sinabi ng doctor na may sakit siya sa puso. Litong-lito siya kung sasabihin niya ba ito o hindi. Hindi niya alam kung anong desisyon ang mas makakabuti. Lalo na nang nasilayan niya ang kanyang anak at nais niya itong tulungan at ang kanyang asawa na maaring mahirapan sa pag-aalaga at ayaw na niyang dagdagan ang pasanin nito.
Labis na sakit ang kanilang nadarama. Naparang sila’y nabagsakan ng kalangitan. Ngunit kahit ganun ay nilalakasan nila ang kanilang loob dahil sa sinabi sa huling bahagi nang liham. “Mahal na mahal kita anak at sa pamamagitan ng kamay naiyan mararamdaman mo ang aking pagmamahal kahit ako’y lumisan alam kung hindi mo pa ito maiintindihan sa ngayon. Gamitin mo yan at yakapin ang yung ina sa tuwing siya ay lumuluha upang mapalitan ito nang tuwa at tibayan niyo ang inyong kalooban.”








