Ito ang tatay ko, isa siyang OFW na nagtatrabaho bilang seaman. Simula pa nung pagkabata ko ay kinailangan niya nang magtrabaho at malayo sa aming magkapatid. Naranasan kong lumaki ng walang gabay ng isang ama at kinailangan kong tumayo bilang ama para sa aking nakababatang kapatid. Kaya’t sa maagang edad ay natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa at maging mapamaraan sa maraming bagay.
Mahirap ngunit wala kaming magagawa. Kinakailangan talagang magtrabaho ng aking ama kahit na malayo siya sa amin para matustusan ang aming mga pangangailangan.
Kaya para sa aking ama, kung mababasa mo man ito, gusto ko pong sabihin sa iyo na nagpapasalamat kaming magkapatid sa lahat ng sakripisyo niyo sa amin. Lumayo kayo para sa aming magandang kinabukasan, kaya’t hindi na ako makapaghintay na ako naman ang magbibigay ng iyong mga gusto at minimithi sa buhay. Antayin mo ko Papa, inaabot ko na ang pangarap ko na maging isang ganap na doktor sa pangarap kong unibersidad (https://www.ceu.edu.ph).
Mahigpit na yakap para sa mga magulang na OFW. Taas noo ako sa ipinapakita niyong lakas ng loob at tiyaga. Mabuhay po kayong lahat!











