April 2, 2024 Hello B., good afternoon. Netong nagdaang mga weeks ay for some reason, mas nagiging evident for me yung gap between us. Unlike sa mga naunang buwan ay hangga't maaari nagkakabatian at nagkaka-kumustahan kahit papaano, sa pnp practices o pag may pagkakataong konte lang ang tao. Ganyan. I know na hindi mo deserve na madamay sa kung anuman ang nangyari between sa amin ni j. Gusto ko rin i-assure sayo na wala akong anything na negative na thoughts and damdamin towards sayo since then. Pero sorry if my actions and words tell otherwise. I am really sorry. (Kung nagka-moments man ay nilalabanan ko yung idea dahil hindi ka naman dapat damay dito). Thank you din sa pag-respect sa aking decision na manahamik and pag-unawa kahit na wala naman akong ibinigay na on my end para unawain ako at those moments. Alam ko na mahirap umunawa at tumulong sa taong wala namang sinasabi at ayaw magpatulong. But this time, ayoko na mag-lead pa pati yung atin sa hindi mabuting kalagayan. Kaya ayon, I want to know if kumusta ka, kumusta tayo? Okay lang ba sayo if mapag-usapan natin at ma-define naten yung friendship between sa ating dalawa? Anuman ang maging damdamin at desisyon mo ay aking irerespeto. Again b., sorry and thank you. I hope na ma-work out natin ito. God bless you! *we did have our mahabang conversation ng April 6, 2024. *we did have clarity. *we tried. i believe we tried.










