JT FILMS PHOTOGRAPHY // Ang Haring Araw //
Nakuhaan ko ang pagkakataong ito nuong ika-7 ng Abril, 2021, ganap na 5:07 ng hapon. Kahit nuo’y madalas akong nagkakaro’n ng pagkakataong makakuha ng retrato ng araw ngunit hindi nagiging maganda ang kinalalabasan ng kuha ko. Nuong panahon na kinuhaan ko ‘yan ang nagsisimula na ang sarili ko na umahon mula sa aking pagkakalubog. Tuwing nakikita ko ang kagandahan ng araw kapag umaga o hapon ay nagkakaroon ako ng pakiramdam na tila unti-unting gumagaan at humuhupa ang bigat ng aking nararamdaman. Para sa akin, hindi lang natural na liwanag ang naibibigay sa akin ng araw, kundi simbolo ng pag-asa.














