Midnight at Bangkok... sa hatinggabi mag isip tayo ng malalim... wala namang pakialam sa atin ang umaga... puro buntong hininga... laging nagdadalawang isip...
seen from United Kingdom
seen from China

seen from Singapore
seen from China
seen from South Korea
seen from United States

seen from Australia
seen from Singapore
seen from United States

seen from Australia

seen from Türkiye
seen from Brunei

seen from Italy
seen from Belgium
seen from Germany

seen from Belgium

seen from Belgium
seen from China
seen from United States

seen from United Arab Emirates
Midnight at Bangkok... sa hatinggabi mag isip tayo ng malalim... wala namang pakialam sa atin ang umaga... puro buntong hininga... laging nagdadalawang isip...
CAROLINE CAINTO Hatinggabi, sari-sari mediya, 2018 #artPH
#kwentongkalsada #hatinggabi
Parang kandila na muling sinindihan. Wag mo sanang bilisan ang paghipan. Pero wag mo rin sanang hayaan na matunaw ako nang tuluyan.
HATINGGABI
Pakinggan mo ang tunog ng mga sasakyan sa hatinggabi. Nakakalungkot. Pero nakakatuwa rin naman. Naalala ko lang nung 1st year college pa lang ako. Mag aalas dose na gising pa ako kasi gumagawa ng plate. Wala akong cellphone nun. Isang malaking baso ng kape (500ml) at skyflakes or butter cookies lang ang kasama ko habang nagpupuyat. Ganito ring oras nun, ang tanging naririnig ko lang ay ang tunog ng mga sasakyan sa highway. Nung 3rd year naman ako, ganitong oras din, may cellphone na ako nun. Katext ko ang mga malupet kong kaklase. Nagtatanungan kami kung nakauwi na or kung san na ba, kasi alam mo na, natuto na akong uminom. Ganitong oras din nun. Habang di pa ako nakakatulog, pinapakinggan ko lang ang mga sasakyan. At hanggang sa pagtapos ng aking pag-aaral, may trabaho na ako at ganitong oras ay naririnig ko ang malakas na tunog ng mga sasakyan dahil ako ay nakasakay pa rito. Oo. Pauwi pa lang ako niyan o kaya naman ay lilipat sa isa pang bar. Gumigimik ako kasama ng aking mga kaibigan. Bata pa kasi kami. Enjoy ang buhay. Di pa limitado ang pag-inom. Halos lahat ng klaseng alcohol tina-try namin. May masarap, may mga hindi ko na rin inulit kasi ang pangit ng lasa. Ngayon, habang ako ay nahihiga sa dating lugar kung saan sampong taon ko ng tinutuluyan, ang agam agam ko ay ang nakaraan. Ang nakaraan na pinaalala ng tunog ng mga sasakyan tuwing hatinggabi. Nakakatuwang isipin na ako ay napapangiti sa mga bagay na dati kong nagawa. Ngayon ay hindi na ako umiinom. Occasional na lang. May mga hindi maniniwala pero wala akong pakialam. Mas naiintindihan ko naman sila kesa sa pag intindi nila sa akin. Basta ngayon, masaya ako. Masaya ako sa lahat ng bagay na naranasan ko. Kahit sa mga problemang dumating sakin, natutuwa ako dahil nalampasan ko ‘yun. Marami pang darating ngayon, sigurado ako dun. Kaya sana, manatili ang saya kahit na isipin ko man ang alaala.
03FEB2016 11:51 pm
Ikalawa sa hatinggabi.
Ikaw na nga siguro ang palagiang ibig kausapin
Sa iyong piling ang bawat oras ay susulitin
Sa bawat sandali ika’y aking hahanap-hanapin, ngunit
Ikaw nga ba talaga ang aking dapat katagpuin?
Selosan 101
Define selos as... Nararamdaman ito kapag: -nalaman mong may ibang nagkakagusto sa taong gusto mo. simpleng crush lang naman. -nakikita mong may kasama siyang iba Ang selos kasi kalimitang nararamdaman yan lalo na sa mga magjowa. Eh paano kung wala namang kayo? Friends lang kayo? Ako yung tipong sinasabing, "magselos ka kung kayo." Kaso di ba minsan irony? Nakakaloka. -_- Isa ito sa mga bagay na ayaw kong maramdaman. For example, kung merong nagkakagusto sa crush ko, ang gusto ko, hahayaan ko na lang. Ayokong makaramdam ng selos. No big deal. Feelings nila yon. Okay lang. At least may nakakaappreciate sa magandang qualities ng crush mo, di ba? Sana nga lang mapangatawanan ko ito.
2:58 am na at ako ay natutuwa dahil madilim sa aking paligid kung kaya naisipang picturan ang bintana sa aking tabi ngunit.... Ako'y napaisip paano pag pinicturan ko itong bintana sa tabi ng aking higaan at biglang may lumbasan ng kung anong matang nakasilip dito. Matutuwa pa kaya ako magpuyat?