Ang Cyber Bullying ay ang pag-iwan sa isang tao ng sinasadya, and pagsasabi sa iba na huwag kaibiganin o pansinin ang binubully,pagkakalat ng mga mapanirang komento o usapin, at pamamahiya ng lantaran sa pamamagitan ng social media. Para sa mga nakararaming mga tao, ang alam nila ay nagkakaroon ng bullying lamang sa loob at labas ng paaralan. Sa pagyabong ng teknolohiya ang bullying ay nasa internet na rin. Ang ilan sa mga ito ay ang pagpopost ng mga malaswang litrato o video,tulad na lamang ng kwento na inilahad ng mga estudyante sa Senior Highschool. Ito ay nagpapakita lamang na ang bullying ay isa sa mga halimbawa na may malalang implikasyon,tulad ng tuluyang pagkasira ng kalusugang mental na naging sanhi ng malalang trahedya na di inaasahang maganap dahil sa maling nagawa ng isang grupo sa isang dalagang nagngangalan na ‘Hazel.’ Ang General Squad ay isang grupo ng mga estudyante na kung saan nabibilang ang isang biktima na nagngangalang Hazel. Si Hazel ay ang tipo ng estudyante na tahimik ngunit may tinatagong hinanakit sa kaniyang dibdib dahil sa akala niyang tunay na kaibigan ang mga ito ngunit hindi pala. At dahil doon nagkaroon ng masamang pangyayari na di inaasahan ng grupo. Lahat ng mga nagsiganap ay maituturing na magaling na bida at kontrabida sa kuwento. At dahil dito nailahad nila ng maayos ang kwento at nabigyang buhay ang bawat karakter na mayroon sila. Maganda ang daloy ng kwento dahil sa nakapag bigay sila ng magandang halimbawa kung bakit at kung ano ang naidudulot nito para sa mga kabataan na nabibiktima at nambibiktima. Ito ay isang halimbawa na dapat hindi tularan ng mga kabataan dahil hindi nila magugustuhan ang maaaring mangyari kung ang bawat nabibiktima ay makagawa o makaisip ng mga bagay na maaaring mauwi sa trahedya. At kailangan ng mga bata na ito ng malalim na patnubay ng magulang upang gabayan sila sa tamang gawain at malayo sa masamang gawain. Kung ang pangyayari na ito ay patuloy na magaganap sa bawat estudyante o kabataan na nabibiktima may posibilidad na hindi matatapos ang kaganapan na ito sa mga susunod pa na henerasyon. Ang kuwento na ito ay nababagay sa mga kabataan na hindi lubos pang maintindihan kung ano ang tunay na kahuluhgan at epekto ng salitang ‘CYBER BULLYING’.
Muiralops at Cyber Bullying ni Maggie Mae Gamo, ABE









