Importante ang araw na iyon kay Cheru. Anibersaryo na ng pagigisng sesame seed ng pinakamamahal niyang si Kai. Isang taon na ang nakalipas ngunit hindi pa rin niya maikakailang ramdam na ramdam pa rin niya ang sakit na dulot ng pagkawala ng lalaking minsan niyang minahal. Maigi na nga lamang at may isang espesyal na taong pilit siyang tinutulungang makalimutan ang pinakamasalimuot na parte ng kanyang buhay. And speaking of that special person, tumutunog na ang kanyang telepono. Malamang ay naroon na ito sa labas ng kanyang bahay at handa na para sunduin siya. Nangako kasi itong sasamahan siya nito kahit saan para naman maaliw siya at hindi isipin ang kawalang dulot ng pagiging sesame seed ni Kai. *phone rings* Cheru: (sinagot yung phone) Hello? Luhan? Luhan: Ready? Cheru: Almost. Aayusin ko lang yung gamit ko. Give me a few minutes. Luhan: Dadalhin mo si Kai ano? Cheru: Aah .. Eeh .. Luhan: Ayos lang.. naiintindihan ko .. alam ko namang hindi yun ganun kadali para sa iyo .. Cheru: But .. Luhan: It’s fine .. aantayin na lang kita rito sa labas. Hindi maiwasan ni Cheru na maguilty. Lalo pa’t bakas na bakas sa tinig ng lalaki na bahagya itong nasaktan. Matapos kasing maging sesame seed si Kai ay inilagay niya ito sa isang maliit na garapon na kaya niyang dalhin kahit saan. Ititnatabi pa nga niya ito sa pagtulog at maging sa paliligo ay bitbit niya ang garapong kinalalagyan ng sesame seed na si Kai. Hindi tuloy niya masisi si Luhan kung magselos ito roon. Dinala si Cheru ni Luhan sa isang amusement park. Naaliw naman siya kahit papaano at panandaliang nakalimutan si Kai. Luhan is a very sweet guy at hindi rin naman maipagkakaila ang kaguwapuhan ng lalaki. Ibang-iba ito kay Kai. Mamilog ang mga mata nito na animo’y palaging nakangiti. Mamula-mula rin ang mga labi nito na tila ba’y kay lambot. Kakaibang pakiramdam ang naidulot kay Cheru ng pagiisip niyon. Hindi na nga niya napansin ang ngiting gumuhit sa kanyang mga labi habang abala siyang nakatitig siya kay Luhan. Nakapasarap kasi nitong panuorin pagmasdan habang nakikipagsalimbayan sa hangin ang mga hibla ng buhok nito habang pinapanuod nito ang pagkutitap ng mga bituin sa langit. Luhan: Staring is rude Cheru. Cheru: (chuckles) Masama din ang magbintang Luhan. Hindi naman kita tinititigan. Luhan: And liars go to hell too. (tawa) Huling-huli ka na tumatanggi ka pa. Nakangiting nilingon ni Luhan si Cheru at bakas na bakas sa mga mata nito ang amusement at hindi naman napigilan ni Cheru ang biglaang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Alam niya kung ano ang pakiramdam na iyon. She already felt it before … with a guy that turned into a sesame seed .. Kim Jongin … Kai. Cheru: Luhan .. Luhan: mmm? Cheru: I think I’m ready. Luhan: Huh? Cheru: I think I am ready to let go of him. Handan a akong pakawalan ang mga ala-ala naming ni Kai. And I am ready to let you in. Hinugot ni Cheru mula sa kanyang bag ang isang maliit na garapon na naging parte na ng kanyang buhay nang nakaraang isang taon. Masakit man sa kanya ay kailngan niya iyong gawin. Kung gusto niyang magpatuloy sa kanyang buhay ay kailangan niyang pakawalan si Kai at bumitaw na sa nakaraan. Luhan: Sigurado ka ba diyan? Alam kong importante siya sa iyo. Hindi naman kita pipilitin at mamadaliin, Cheru. I understand and I can wait. Cheru: No Luhan. Kailangan ko to. I have to move on. Hindi na napigilan ni Cheru ang pagpatak ng kanyang mga luha. Panandalian rin niyang pinanuod ang unti-unting pagpatak ng mga iyon sa loob ng garapong kinalalagyan ni Kai at isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap. Cheru: (panicky) Anong nangyayari?!! Luhan: Hindi ko alam. Let it go!! Cheru: Ha? Luhan: Let the bottle go! Now! *glasses breaking* *sound effects* Nagliwanag ang sesame seed at mula roon ay unti-unting nabuo ang isang imahe. Isang lalaki. Isang napakapamilyar na lalaki. Cheru: K-Kai? Nanumbalik na ang sesame seed sa tunay nitong anyo. Bumalik na si Kai. Paano na sina Cheru at Luhan? ABANGAN SA SUSUNOD NA KABANATA.











