"Ayos lang ba sa isang bading ang tawaging "Bakla!" o "Bading" sa publiko na may maraming tao?"
Sa akin ok lang pagka-close ko yung tao, ok lang basta kaibigan ko yun, o kaya naman matagal ko ng kadaldalan, o kaya pamilya, o kaya bakla din sya whoever pa sya. Anytime anywhere!
Wag na wag lang yung mga kapitbahay na mga sitsit, o kaya yung mga feeling close lang, o kaya basta. Tas syempre ayaw na ayaw ko yung mga tambay na dadaan ka lan naman eh sashout out ng "ay bakla". Leche lang, syempre ang lagi kong sagot dun "ay muka po bang nakalimutan kong bakla ako". O kaya naman lalo na sa tambay yung mga mukang wala ng silbi ang buhay at dumadagdag lang sa census, madalas kong reply "ay tambay".












