02112020. Sobrang miss na kita.
More than one year na kita hindi nakikita. Ang hirap naman ng buhay ng wala ka. Sinubukan kong palitan ka ng madaming beses. Pero ikaw parin ang bahay ko. You will always be my home. I am always me when i am with you. Ikaw ang may kilala ng totoong fericka. Tapos ganon ka rin di ba? Ako lang nakakaintindi sayo? Kontento ako sa buhay na kasama ka. Hindi ko kailangan ng partner kasi di ba sabi mo life bud tayo? Andaming umaalis sa buhay natin pero tayong dalawa nagsstay. Nagkaroon tayo ng sariling partner nung nagkalayo tayo, pareho silang nagcheat. Tapos hindi tayo magkasama. Ang hirap bes. Wala ako sa tabi mo nung nasasaktan ka, tapos ikaw din kailangang kailangan kita, wala ka dito. Bakit ba ang layo natin? Wala naman talagang makakapalit sayo. Nagkaroon tayo ng partner nung nawalay tayo sa isa’t isa, nagtagal oo. Pero ikaw, madaming beses ka ng niloko pero nagsstay ka parin. Ako hindi na, ayoko na bes. Ayaw nya na rin. Pero masaya ako sayo. Magstay ka o hindi sakanya, masaya ako kung san ka masaya. Basta nandito lang ako. Kailan kita makikita ulit? Ako parin ba? Miss na miss na kita. Magkita tayo please. Magstarbucks tayo, magtravel tayo. Samahan mo ko ulit.












