Kahit Kunwari Man Lang
Moira and Agsunta’s song “Kahit Kunwari Man Lang” in Himig Handog 2020 hits me really hard. Para bang, “reality strikes” tuwing mapapakinggan ko yung kanta.
The message of the song deeply wounded my heart. It’s like telling me that kahit anong gawin ko para lang mahalin nya ako pabalik, hinding-hindi yun mangyayari. Kasi, yung love nya saakin, may certain limit lang. Hindi magkukulang, pero hindi din lalagpas. Ito lang. Dito lang, hanggang dito lang tayo.
Ang sakit isipin na kahit gustong-gusto mong i-keep yung friendship nyong dalawa, magtatapos at matatapos pa din pag nagkaroon na ng partner ang isa. Yung connection, yung memories, yung bonding before, hindi na pwedeng maulit. Hanggang memories nalang. Hanggang hi at hello nalang pag nagkita ulit.
Magiging masaya ka nalang sa kanya dahil alam mong masaya na ang puso nya sa iba. Na kahit ikaw wasak na wasak na, na kahit gusto mong tumakbo sa kanya at yakapin sya ng mahigpit. Itanong kung talaga bang hindi ka nya kayang mahalin pabalik, hindi na pwede. Sabi nga sa kanya, “hindi maaari kahit kunwari man lang”.
Pinaka masakit sa lahat yung, “Paalam kaibigan, hanggang dito nalang”. Hanggang, Dito. Nalang.







