September na pala
Pwede ba kahit minsan e ako naman? Yung ako yung magdedecide kung ano ang gusto ko. Ako magdedesisyon kung ano oras ko gusto matulog? Okaya kung ano ang gusto ko suotin? Yung ako yung magdedesisyon sa mga pinipili kong mga kaibigan? Naniniwala naman ako na may kakayahan ako maging independent pero hindi yun nangyayare kasi hindi ako pwede maging independent. Pwede ba na pagdating sa mga tao na gusto ko kausapin e walang makielam? Yung walang makikielam sa mga sikreto na sinasabi mo kasi sa iyong sikreto naman yun? Pwede ba yun? Yung walang makikielam kasi malaki ka na at marunong ka naman pumili ng kaibigan at higit sa lahat e ito yung panahon na kelangan mo ng matuto magdesisyon para sa sarili mo? Ay, hindi ata pwede.













