Dear Button, Ang Childish mo! Gawin kitang BABY ko e :D
March 5, 2014
Presentation namin sa History II namin, magluluto kami ng dish ng russian at sasayaw ng cultural dance nila. Dahil busy kami nung binigay ni Ma'am yung project na yun di namin napaghandaan to add na ang dami rin naming nagastos nung Prod. So ayun aligaga kami today kasi magluluto kami at wala pa kaming rehearsal ng cultural dance, ang galing no? on the spot haha. Habang kabado ako sa recitation namin ng comm110 dahil di ako gaanong nagreview, pagdating ko sa room may dumating na CG at nag announce na walang klase dahil may botohan sa Comm Guild at research week sa U-hall edi tuwang tuwa ko :D Ayun after ng botohan umakyat kami sa taas required umattend kasi andun attendance bawal mag ninja moves. Dahil rumaraket ako ng graham balls may nag aantay pala sakin mehehe sorry naman pinasagutan pa kasi ako ng survey. Tas bumili uli sya nagbigay ng 5php tas susuklian ko dapat kaso malaki pala yung kinuha nya na nagkakahalagang 5php nag AAA pa sya para makita ko na malaki yung kinuha nya haha. Tas sabi nya 'tara na..' naalala ko nung overnight haha hinhintay nya rin ako XD sabi ko 'ay hinihintay nyo ba ko?' huhu ang shunga lang ng tanong e kasi sorry naman di ko alam hinihintay nila ko :D Tas sabay kami lumabas. Pag akyat sa taas mga 5 mins. lang ata kami dun tas isa isa na kaming nag ninja haha natatawa nga samin yung katapat naming row e. Okay lang naman magpalamig sa U-hall pero not now po kasi pinoproblema namin presentation namin sa History. Sorry not sorry :D
Nung nasa labas na kami, may nagtext sakin di ko alam kung sino sabi 'Ate Shar, may ambagan po tayo sa History na 100.' Hallaaa sino to? Ate Shar daw? tas may kagrupo akong iba? Haha tas nakitext ako sa kanya tas sabi nya si Cams pala yun. Sabi nya text ko daw babe ko yung freesec na kagroup namin. Sabi ko bitter ako ayokong malaman nya new no. ko HAHA sakayan ng trip. Pinapatext kasi nila sakin e sabi ko wag baka mafall lol :D So ayun sya rin nag text baka mafall ako e lol. Tas papunta na kami kila Bes dun na lang kami kakain malapit sa kanila at magluluto. Nahiwalay samin si Bisprin nya sunod na lang daw. Yes walang sagabal lol :D Tinext nya pa na 'Hoy bilisan mo. Sharmaine to.' Ang gagu lang haha kalokohan kasi nila magtotropa na awayin sa text yung iba tas ibang pangalan gagamiting nagtext :D Tas inasar ko sya sa classmate namin sabi ko 'uy crush mo oh! Si tutut' tas nakisakay na lang sya sa joke na 'shet kinikilig ako naiihi ako!' WHAHAHA :D
Ayun the whole day magka buddy kami. Ang childish neto e puro kalokohan tanong sakin like 'Menggay paano kapag.. Anong gagawin mo?' Haha ang kulit puro kalokohan kaya puro kalokohan din sagot ko e tulad ng 'Menggay paano kapag sa Wow Mali binugbog ka, tas sasabihin sayo sa huli, nasa Wow Mali po kayo tingin po kayo sa Camera.' diba muntanga lang yung mga tanong? HAHA tas sinasakyan ko na lang tas nagkwentuhan kami ng about sa Wow Mali, nanunuod kasi ako nun e laughtrip. Alam ko mahilig rin sya sa ganun mababaw rin kaligayahan nun e minsan maglilink sakin ng funny videos tas tawang tawa sya tas tatanong ko 'May problema ka ba?' Haha kasi out of the blue maglilink ng ganun tas di naman ako natatawa kaya feel ko malungkot sya kaya sya nanunuod ng ganun. Yung friend ko napakasupportive sasabihin pa nya sana na sya na lang back ride sa tricycle kahit naka skirt sya para magkatabi kami sa loob kaso naunahan sya magback ride haha tsaka di naman papayag yun na magback ride yung babae. So ayun inaasar ako ng tropa ko sa loob ng tricycle kota daw ako :D Well XD
Nung andun na kami sa sagana kumain muna kami ng lunch ang mahal feeling mcdo or jollibee or kfc :3 Sabi ko "magkano to Kuya?" sinabi yung presyo tas tanong ko 'bakit?' Haha tawang tawa si Kuya e napakamahal kasi di naman air condition sa loob at wala namang wifi :3 Ayun magkatapat kami, yung feeling na tahimik lang yung mga kasama naming kumakain tas kami tawa ng tawa? Hahaha ang kulit kulit nabuga nya pa kanin nya kakatawa, nakaka turn off lol. Tas di pa tapos kumain nag yayaya na maghalohalo tas walang halo halo nag ice cream di pa tapos kumain. At di na nya inubos pagkain nya, tong batang to :3
Nasa bahay na kami nila Bes, hahaha ang kyutt kyuuttt nya nung maliit pa sya sarap ibag haha. Sabi ko pa 'Bes, patingin ako ng toys mo!' in child tone tas natawa sila sabi nya sakin iba na daw toys nya haha gugu. Ayun upo muna kami sa sofa saglit tas maya maya nagrehearse na andun na rin si bisprin pero sorry kami magkatabi lol.
TRIVIA: mahal sya ni bisprin kaso na friend zone, di ko alam kung nakamove on na si bisprin. Ayun nagrehearse kami at kulitan at asaran as always haha parang bata para kaming mga high school dalawa lol. Tas kami partner hawak eklat chuchu tas buhat sa huli. Ang gentleman nya talaga humawak orrrrr... NO! Erase erase WHAHAHA. Tuwang tuwa sya nabuhat nya ko, oo e parang napakabigat ko :D Tas may dumaang ice cream, sabi ko wag sya bumili kasi magrerehearse kami tas ayun di sya bumili parang nanay lang e no tas ako nagkunwaring di pinapalabas sa gate kasi di ako natutulog ng hapon haha. Ang saya nun puro kami kulitan kaya walang magawang matino sa steps :D Tinatamad kasi kami haha. Ang dami nyang videos sa phone nya niloloko ko sya na papanuorin ko haha kaso ayaw nya e, title 'cover ng bukas na lang' naissip ko yung 'Bukas na lang kita mamahalin?' halaaaa ayun kaya yun? WHAHAHA owemgi wag naman sana :D
At dahil mga ilang oras pa, tinatamad na kami, naupo kami sa sofa habang kumakain ng snacks at umiinon ng ice tea at nanunuod habang ang iba ay nagluluto. Huhu hayahay pero di naman ako makatulong kasi wala akong talent sa pagluluto, sabi ko maghihiwa ako wag na daw, at sa tingin ko makakasikip lang ako sa kusina, malaki kasi ako haha. Ayun para kaming nag iinuman haha tas kwentuhan sila about D.A ako lang kasi hindi D.A dun :3 Tas nag sorry sya kasi di ko alam pinag uusapan nila sabi ko ok lang. Mehehe medyo ka-o.p nga. Hanggang sa nawala si bisprin at isang groupmate dahil may aasikasuhin sila sa journ. Edi kami nalang ni Bes at sya natira sa sala yung iba nagluluto.
Nanunuod kami ng volley ball tas fan rin ng volleyball. Sign na ba ituu? joke! Tas ang ingay ingay nya kinukulit nya ko sa graham balls, nakulit na nila ko na libre sila ng isa edi go ako tas maya maya gusto nya pa. Hahaha NO! crush kita kaso kailangan kong kumita :D Tas nag joke sya, sya din natawa tas di sya makamove on sa joke nya na pag gisa sa canteen kasi nga di kami aabutin haha. Sinasaway na namin sya ni Bes na 'Uyy' kasi sobrang tawa nya tas di naman kami natatawa haha ang saya nya lang. Tas naghahampasan kami ng unan kasi kinukulit nya ko sa graham balls haha. After kulitan, tumayo kami kasi nakakahiya sa mga nagluluto baka may maitulong haha. Ayun konting tulong kunyari.
Etoo na pinakafavorite kong parttttttttttttt <3
Nagseselfie sya sa malaking salamin na nakadikit sa wall. Sabi ko 'Yung isa dyan paselfie selfie na lang.' Gusto ko magphotobomb kaso nahihiya ako malay mo di nya type kasama ko sa pic. lol tas nagphotobomb sa kanya yung friend ko. Ako nagsasalamin sa isang whole body na salamin nag aeyebrow at lipstick lol paalis na kasi kami. Nanggg biglang lumapittttttttt sakto lang kami sa salamin tas pinipicturan nya salamin mula sa taas meaning kaming dalawa tas nag smile ako. Tas nagpicture pa kami ng 3 beses WHAAAAAAAA sabi ko ang puti nya talaga sabi nya may ilaw daw kasi lol humble. Yung feeling na nagpicture kami sa phone nya at sya pa yung nagpictureeeeeeee OwEmGiii this is so blogable! lol :D Huhu kaso hindi ko sya najoke na iupload nya kasi di naman nag aupload yun e :3 Wowall paper nya lang pics. namin lol :D Sobrang kinilig talaga ko dun! Sino ba namang di kikiligin pag may picture na kayo ng crush mo? Hindi ikaw yung nagpapicture kasi nahihiya ka, pero sya paaaaaaa! Huhu di na lang ako sa stolen kumukota lumelevel up! :D Yung tropa ko, iba yung tinginan sakin e inaasar ako WHAHAHAHA best day ever! lol :D
Sa school ayun late kami, buti na lang last group kaming magpepresent haha tuwang tuwa ko sa kota ko pero yung steps namin sa sayaw di pa ok. Wala pang written report tas kinuha ko na dala nya kasi magpapaprint pa sya tas tumakbo na sya para magpaprint. Huhu ang kyut talaga e. All day kaming magkasama hart hart :D
Ayun nakapagpresent naman kami, presentation na mairaos lang lol. Tas nagmadali ako magpalit ng isusuot ko kasi ang init patong patong at aalis rin kasi ako kokota naman ako kay Daniel punta kong taping :D Lubuslubisn pangongota :D Tuwang tuwa talaga ko that day kinuwento ko sa ibang tropa namin yung about sa pictures. Tas sinusuportahan pa ko sa pagkukwento ni tropang kagroup namin naiihi na daw ako sa kilig lol :D
Medyo konti lang nakain ko, huhu sayang pinamambag lol. Nagpicture picture pala sila parang class picture with Ma'am na naka costume huhu nagbihis kasi ako e :3 Pero ok lang WHAHAHAHA may pictures naman kami together. Di nya nga lang yun aupload iimbak nya sa phone nya haha nahihiya naman akong sabihin na 'upload mu naman pics. natin, ibablog ko lang!' HAHAHAHA :D
Sana po mag upload sya o kaya hiramin ko phone nya ipasa ko pictures namin WHAHAHA \m/
May napatunayan ako.. Ang childish mo! Gawin kitang baby e! lol :D Ang kyuutt kyuutt mo Superman/Snoopy WHAHAHAHAHA :D














