"A Scene From Hormones The Series 2"
"Masakit isipin na hinayaan ka lang niyang lumayo na hindi ka niya pinipigilan"
Agad pumasok sa isip ko ang mga katagang yan. Pagkatapos ng scene na hinayaan ni Phu na umuwi na si Thee. Hindi ko alam kung bakit ako nadala sa scene na iyon. Gustong magpagil ni Thee kay Phu pero kahit ni isang salita wala siyang narinig galing kay Phu. Ina-lala pa niya iyong tagpong kahintulad na nangyari noon sa kanila (Series 1) na pinigilan siya ni Phu para lang di siya lumayo pero ngayon parang baliwala na lumayo si Thee sa kanya. Kahit ilang ulit siya na huminto wala pa ding reaksyon sa Phu. Iyong moment na tingnan ni Thee ang bahay at naisip niya wala ng pag-asa para sa kanila at kailangan na niyang lumisan ng tuluyan.
Kapag may sumuko na isa kahit gusto mo pa wala din. Masasayang lang iyong effort mo sa mga bagay na hindi na talaga. Hay, Life! ^_^
















